Warehouse Sale This December

Thursday, December 4, 2008

Guyz.. just wanna share this.. ngayon ko lang naalalang i-post... Baka interested kayo..

Sorry talaga.. bukas na ( December 5 ) ang last day ng Sale sa MSI-ECS :( Pero baka makahaboL pa... sa Microwarehouse, next week pa un :)

MSI - ECS WAREHOUSE SALE



MICROWAREHOUSE YEAR-END WAREHOUSE SALE


you may register here for a chance to avail additional 5% discount... :)


http://www.microwarehouse.com.ph/Online-Registration

wish gRanted...

Wednesday, November 12, 2008

Last Christmas, meron akong wishlist...

Some are granted before Christmas.. and some are granted after Christmas... basta this year din

Out of 15 simple wishes, 5 are granted before Christmas and 5 are granted after Christmas... Pero ang wish ko din, sana atleast 2 wishes ma-grant... I have received more than I asked for...


2. Happy Feet Sandals - ever since it was my dream to buy this one... waaaattt??? pero meron na akong isa nito. i want more!!!! - GRANTED BY MYSELF

->> I have two new Happy Feet Sandals this year :) More to come...

3. PSP - waaaaaaaaa..... ilang months ko ng gustong bilhin ito, until now hindi ko pa rin nabibili.. Pagdating ng 14th at 15th month pay.. d ko na papalagpasin ang pagkakataon!! - GRANTED BY MYSELF

->> Bought last April... Dream come true (*wink*) after ilang months na pagkapurnada!!

5. Teddy Bear - my collection... wow... ang cute talaga nila... - GRANTED BY NHEO

->> Gift sa akin ni Nheo last birthday ko, every birthday ko, binibigyan nya ako ng Teddy Bear, at palaki ng palaki every year... As of now, I have 6 teddy bears given by Nheo

14. Pillow - ung may magandang design.. un lang ang requirement - GRANTED BY MYSELF

->> Binili ko para masarap ma2log heheheh =))

15. Pants - bili ako ng bili ng damit, nakakalimutan ko laging bumili ng pants..
- GRANTED BY MYSELF

->> Pinagalitan kasi ako ng mama ko sabi nya sa akin nung nasa mall kami... "Bumili ka nga ng pants mo, bili ka ng bili ng damit hindi ka bumibili ng pantalon mo..." hahahah :))

MORE WISH TO COME THIS YEAR (*wink*)

*** Yung mga non-material wishes, secret nalang yun... and I have received lots of blessings this year... and majority of my wishes are granted ;)

Usapang PISO...

Nag-umpisa ang lahat ng papasok ako ng office.. sobrang busy ako sa pagtetext dahil katext ko si nagtext si ireneo.. at nagrereply ako sa best friend ko...

Medyo mabagal ako maglakad (kasi nga nagtetext) kahit na alam ko na male-late na ako... Malayo-layo na rin ang nalakad ko... nasa terminal na ako, hanggang naalala kong... SHOCKS wala pala akong pera... hindi ako nakapagwithdraw... hindi rin ako nakahiram ng pera sa mama ko... pinang-Midnight Snack kasi ung cash ko kagabi... sowwwss!!! :(

Pabalik na akong naglalakad ng maalala kong meron pa pala akong maraming barya... inilabas ko ito, bibilangin ko sana kung kasya na sa pamasahe papuntang office, tutal makakawithdraw na ako ng pera dun sa office para panggastos. Pagkalabas ko palang ng barya...

GRRRRR.... ITO NA PO SIYA... SI MR.. ATE, ATE, ATE, ATE, ATE, ATE, ATE, ATE...

Talagang hindi ka titigilan ng bata na ito kaka-ATE hanggang di mo siya binibigyan ng pera kahit piso lang... Naglalakad ako pabalik, talagang sinundan nya ako, hindi nya ako tinantanan.. Sabi ko, wala akong pera... sabi nya ATE (**sabay tango sa akin**)... Sabi ko tigilan mo na ako,,, PLZZZZZ... Sa isip isip ko gusto ko na siya bigyan ng piso para matigil na.. kaso naisip ko... SHET wala pala akong pera, db?! Haler!!! Baka kulangin ako.. So nag-insist ako na tigilan na nya ako at wala akong pera... Dumating nga sa point na sa sobrang pangungulit nya talaga at sa sobrang asar ko, sinabi ko na talaga sa knyang ... WALA NGA AKONG PAMASAHE EH!!! Pero no effect!!! My Lord, ano bang gagawin ko sa batang ito... sa sobrang pagkabadtrip ko, ang aga-aga!!! Ayun naglakad ako ng mabilis na mabilis, hindi na nya kayang sundan ang lakad ko kaya tumigil na sa pagsunod...

Nung mawala na xa sa landas ko, nabilang ko na rin ang mga barya ko, at nakita kong kasya pa para sa pamasahe yehey!!! Go na ako... at baka malate pa...

Pagkasakay ko sa jeep, meron akong nakatabing Muslim (out of the topic,just wanna share heheheh ) sobrang balot na balot talaga xa, halos wala ng makita sa knya... mata nalang... bakit kaya kelangan pang itago?? anywayz... pinababa rin naman kagad kami sa jeep dahil baka mahuli daw xa, hindi siguro tama ung route nya...

Buti nakasakay ako kagad... Ayun pagkasakay, nagbayad ako ng 15, nag-eexpect ako ng PISOng sukli kasi 14.50 ang dating pamasahe from Sandigan to Hiway, since nagbaba ng 0.50 centavos ang pamasahe, so 14 nalang dapat... pero ang layo na ng nabyahe namin wala pa rin sukli, nahiya naman akong tanungin ung pisong sukli, ang layo ko kasi sa driver nandun pa ako sa pinakadulo...

Hanggang pagdating ng Philcoa, nagbayad ung ale na katapat ko.. galing daw xa ng Manggahan. galing doon, 16 pesos ang dating pamasahe, 15 na daw ngaun.. so nagbayad xa ng 15 pesos pero hinihingian pa rin xa ng driver ng PISO... pinagpilitan ni ate na bumaba na ang pamasahe... at take note ito ang sagot ni Kuya Driver.. na napakawalang kwenta at napaka-illogical.. (haayzz,, buti hindi mainit ang dugo ko ngaun kung hindi nakisama akong makipag-argue dun sa babae)...

Ang sagot ni kuya... "Misis, yung minimum lang ang nagbaba ng pasahe!"... Ang sagot ni ate... "Ano? Minimum lang? Eh pano nangyari yun, pag nagtataas ng pamasahe, tumataas lahat hindi lang naman ang minimum, sa dagdag sa kilometro may dagdag na pamasahe na, tapos pag nagbawas yung minimum lang pwedeng bawasan?!"

Actually tama ang logic ni ate, pg tumaas ang pamasahe, tumataas lahat hindi lang ang minimum.. Pag bumaba minimum lang?! Nakakabadtrip si kuya, nanlalamang ng tao, pare-pareho lang naman kaming nagtatrabaho at kelangan kumita ng pera... ay sows!!

In the end, binigay din ni ate ang PISO na pinagsimulan ng away.. pero wag ka.. may banta si ate, sabi nya "Sige ito, ibibigay ko itong PISOng hinahanap mo, pero tandaan mo malaki ang kapalit nito, irereport kita sa LTO.!"

San ka pa may ganun!!! Madalas hanggang banta lang naman ang mga taong ganyan.. panakot kumbaga.. bihira ang tumutuloy ng pagsusumbong... Pero whiz... kabog si ate.. ang sbi ni kuya.. "Sige, itanong mo pa sa LTO kung ano talaga ang tamang pamasahe baka ikaw pa ang mapahiya!" hahaha kuya, yeah right!!! tsk tsk tsk

Huling kwento ng piso... meron akong babaeng tinitignan,, nakatalikod kasi xa, nasa likod nya ako naglalakad pababa sa MRT Station, para xa talaga si Joreen...
Maputi, tulad sila ng buhok... yung katawan, yung tangkad... basta parang si joreen talaga.. namiss ko tuloy xa.. at ayun... pagdating sa ibaba, meron pulubing matanda, natutulog, naghulog xa ng baryang tigpi-PISO..

bigla kong na-realize.. dapat na rin ako mag-give kahit PISOng barya kasi Christmas na... Season of Giving...

Wala ulit relasyon sa title... bigla ko lang naisip!! waaaaahhh dumating sa Pilipinas si Rasmus tsaka si Brian.. hahaha wala lang natuwa lang ako!!! Sarap ng chocolate... thanks =)) gwapo pa ni rasmus... =))

It's Over Now

Thursday, October 30, 2008

It's Over Now
by Kyla

You
You turned and walk away
I didn't know what to say
I closed my eyes to hide
The pain I felt inside
I could never understand
How love went out of hand
And now there's nothing I can do

Though the feeling hasn't passed
Sad to say our love didn't last
Please don't ask me to pretend
`Cause I know it's over
When I'm done forgetting you
You can say what you wanted to
Please don't ask me to pretend
`Cause I know it's over now

Now I'm left here all alone
A heart without a home
How will I ever find
The love I left behind
Once, the days were ours to share
Now you don't even care
And there's still nothing I can do

Though the feeling hasn't passed
Sad to say our love didn't last
Please don't ask me to pretend
`Cause I know it's over
When I'm done forgetting you
You can say what you wanted to
Please don't ask me to pretend
`Cause I know it's over now...

Though the feeling hasn't passed
Sad to say our love didn't last
Please don't ask me to pretend
`Cause I know it's over
When I'm done forgetting you
You can say what you wanted to
Please don't ask me to pretend
`Cause I know it's over now

(Instrumental)

Though the feeling hasn't passed
Sad to say our love didn't last
Please don't ask me to pretend
`Cause I know it's over
When I'm done forgetting you
You can say what you wanted to
Please don't ask me to pretend
`Cause I know it's over now



===========================================================

LSS DUDE!!!
SONG NI __________________ PARA KAY ____________________!!!

ok lang ako naman nag-umpisa kaya nag-LSS eh.. ehehheh =D
pasimuno daw ako ahahahha

wala lang ako magawa!! ma2Log na nga ako.. sows!!!

High SchooL MusicaL...

Tuesday, October 28, 2008

Never got tired and bored watching this movie...

I just noticed something...

HIGH SCHOOL MUSICAL 1
- best Story among the other musicals

HIGH SCHOOL MUSICAL 2
- best MUSICs, SONGs, easy to remember songs


HIGH SCHOOL MUSICAL 3
- best DANCE STEPS, CHOREOGRAPHY

Grabe panaLo ang dance moves sa High School Musical 3, though hindi ko ganun nagustuhan yung mga songs niLa ngaun... hmmmm...

Sayang... last na ba talaga 2?? Si Gabriella mag-college na sa Stanford University...
si Troy sa Berkeley... :(

Pero infairness din maganda ang mga props nila dito ha!!
kaso talaga parang hindi gaano ganun kaganda ung story...
parang hindi mo namalayan.. ah un na pala un..
matatapos na pala heheheh :D



38 hours...

Wednesday, October 22, 2008

As of 9:23 P.M.
38 hours na ako GISING!!!
WALANG TULUGAN
paRang kay Kuya Germs!! =))

makaka2log na sana ako..
naapakan na naman yung paa ko..
ayun, imbes na magaLing na...
grabe na xa uLit!!!
dumugo ng sobra sobra!!!
at sumakit ng to the maximum level..

so goodluck na naman sa paglakad ko nito!!!

I'm Getting Better Now...

Saturday, October 18, 2008

Woooh... I'm getting better now!!

Sarap bumalik sa dating ako...
yung masayahin...
yung positive sa lahat ng bagay...
hindi nag-iisip ng mga insecurities...
yung hindi nag-iisip ng mga FAILURES... instead, yung mga other side nun ung tinitignan ko ngayon..
nawaLa na ung mabigat na nararamdaman ko dati...

Hindi na ako nagpatingin sa Phsychiatrist ...
hindi ko na pala kailangan...
nasa akin lang naman talaga ang problema..
nag-muni-muni lang ako...
nag-internalize ng mga nangyari,,,
iniisip ang mga positive or good things na nangyayari sa akin
inisip ko lang mga nagmamahal sa akin...
yung mga tumulong, sumuporta at naging shoulder to cry on ko..

may mga bagay din kasing hindi ko alam.. pero ok na paLa ako dun...
hindi naman din pala lahat ng ginagawa ko isang malaking FAILURE!!
kelangan pang may ibang taong magpa-realize sa akin...

hindi naman dn paLa lahat ng tao hindi naappreciate yung gawa ko..
meron at meron pa rin makaka-appreciate... at masaya na ako
kahit isang tao lang maka-appreciate nun!!

hindi naman din ata halos lahat ng tao ayaw sa akin..
sabi nga nung isang friend ko..
"Dude, napapraning ka lang!!"
nung una sabi ko sa sarili ko..
"Hindi nyo lang ako naiintindihan dahil hindi nyo
nararanasan yung nararanasan ko"
pero habang dumaraan ang mga araw, I realized na...
"OO nga parang napapraning lang ako... nagiisip ng kung ano-ano na ikakasakit lang ng damdamin ko... nagiisip ng ikakaproblema ko... eh ako lang naman pala gumagawa ng problema ko eh.."

sabi din sa akin...
"Nasasaktan ang puso mo kasi yun ang dinidikta ng isip mo..."
(*not in exact words..*)
then dun ko rin narealize na... oo nga noh.. tama nga...
kasi sinasabi ng utak ko... actually pinagpipilitan pa ng utak ko
na dapat ganun ung maramdaman ko kaya
mas lalo akong nasasaktan...
binibigyan ako ng mga advice pero hindi ko pinapakinggan..
instead hinahanapan ko pa rin ng magiging possible na problema
from that advice..
sabi nga rin sa akin...
"Mahirap daw tulungan ang mga taong ayaw magpatulong at
ayaw tulungan ang sarili!"
dumating pa nga sa point na parang ayaw na akong
tulungan nung tumutulong sa problema kong yun!

Iba-iba rin naging reaction sa blog ko na yun...
may nag-treat seriously.. meron parang naging pabiro..
meron din "for the sake of blogging"...
pero sa akin.. that's a SERIOUS PROBLEM!!
naging EMO lang ako... and I just want to share my feelings
para ma-RELEASE ko ang lahat lahat ng
bigat ng pakiramdam...

actually ngayon ko lang na-try mag-share ng feelings sa blog..
normally sa mga close friends ko lang talaga na-rerelease
yung mga sentiments ko...
ewan.. basta nung time na un..
i just feel na kelangan ko rin i-share yun thru BLOG...
and siguro naisip ko rin na baka sa pamamagitan nun..
may makatulong sa akin to realize what's wrong with me...

ang tagal ko naghintay ng time na may makapagpa-realize sa akin
sa ganitong problema ko..
Siya at siya rin pala ang makakatulong sa akin...
binigay siya ni Lord sa akin to realize yung mga dapat kong ma-realize...
para maintindihan ko yung mga dapat kong maintindihan sa buhay...
Siya ang naging WAY ni GOD to REALIZE that
LIFE IS WONDERFUL!!

ang masasabi ko sa kanya...
"THANK YOU SA LAHAT-LAHAT..."
siya ang...
"BEST THING THAT EVER HAPPENED TO ME..."

siguro kung wala siya..
"ISA NA AKONG TAONG WASAK NA WASAK ANG BUHAY!!"
sinasabi nya sa akin lagi...
"Just pray kay to God na mawala na yung mga iniisip kong
hindi naman makaka2long sa akin.."

sabi ko nalang.. "LORD, kayo na po bahala sa akin..."
ang bilis ng response... GRABE!!!
"The BEST ka talaga LORD!!"

haaayyyzz... ang sarap ng ganitong pakiramdam..
peaceful... walang doubts... walang regrets...

sabi ko sa previous blog ko...
"Ano kaya ang purpose ko dito?"
Alam ko na...
siguro iisipin nyo na corny pero this is how I feel..
"MY PURPOSE is to SERVE"
Serve my family... Serve the people... and to Serve GOD!!

Sabi rin sa homily ni Bro. Romer...
"MANY ARE CALLED, BUT FEW ARE CHOSEN.."
and I'm HAPPY that I'm PART OF THE CHOSEN ONE!!
dun palang malalaman ko na yung purpose ko...

Grabe nung mga nakaraang linggo.. sabi ko nga...
"I FEEL EMPTINESS AND SADNESS IN MY SOUL"
Grabe kung alam nyo lang.. sobrang bigat talaga sa pakiramdam
Para kang sasabog.. ang daming gumugulo sa isip mo..
Parang you feel na anytime you'll be insane...
Literal na "Parang binagsakan ng langit"
GRABE!!!...

Pero atleast ngayon OK na..
AYAW KO NA BUMALIK YUNG GANUNG PAKIRAMDAM!!


in-short ako ngayon yung taong...

hindi nag-iisip ng mga ka-praningan...

(*wink*)

ANO BA ANG NANGYAYARI SA AKIN?! , MY PURPOSE IN LIFE...

Tuesday, October 7, 2008

Haayy LIFE, lahat nalang ba ng gagawin ko hindi ako magpeperform ng maayos?

San ko ba mahahanap ang sariLi ko na mag-eexcel ako??!!! Magiging efficient at effective ako?

Minsan ko na nga lang na-feel yung ACCEPTANCE, HAPPINESS AT MOTIVATION, parang unti - unti na namang naglalaho yung masarap na pakiramdam...

Sa lahat nalang ata ng bagay, isang malaking FAILURE!!!! LOSER!! (L)

Ano ba ang dapat kong gawin para ma-appreciate yung trabaho ko o ginagawa ko?!

Feeling ko naman binibigay ko yung best ko?! Pero parang hindi pa rin sapat...

Parang lagi nalang din akong ayaw ng mga tao!!!

Bakit ko kaya pinagdadaanan yung ganito?!! Ano kaya yung reason, gusto ko na rin malaman... para maresolbahan na...

Parang nawawala na ung motivation ko sa paggawa ng mga bagay - bagay... sa halos lahat ng bagay na ata...

Paano ko kaya mababalik yun?!!!

Alam kong masarap mabuhay.. at marami pa akong pangarap na gusto kong matupad... pero sa mga ganitong pagkakataon, parang naiisip ko ANO pa bang dahilan para MABUHAY kung lahat ng ginawa mo isang malaking FAILURE?!!

Ano na kaya ang purpose ko dito?!!

Alam kong lahat tayo may purpose kung bakit tayo nabubuhay?!!

Eh ano kaya ang sa akin..

Parang dati malinaw ang lahat, ngayon biglang lumabo na naman...

Lahat ng gustong - gusto kong gawin dati, ngayon parang biglang wala nalang,, ok lang kahit hindi ko na gawin!!! Walang effect sa akin..

ANO BA ANG NANGYAYARI SA AKIN?!

Nagiging manhid na ba ako sa mga pangyayari sa paligid ko? O kabaligtaran? Yung tipong nagiging Over - Sensitive naman?

Parang marami akong gustong gawin, pero hindi nagagawa dahil... EWAN, parang maraming humahadlang..

I think, I better need to talk to a PSYCHIATRIST.. kelangan ko mag-theraphy... kelangan ko ng Personality Development Talk?!

or Self - Uplifting Talk?!

or Renewal Experience?!

teka, bibili nga ako ng libro, baka sakaling maka2long.. first move, pagbili ng book before going to a psychiatrist. (any suggestion na book?!). tutal mahilig naman akong magbasa!

Dati - rati napaka - OPTIMISTIC kong tao... POSITIVE mag - isip sa lahat ng bagay, GUSTO KO MAIBALIK YUN!!!

Pwede kayang umattend ng PREX ulit??!!

hindi ko maintindihan yung pakiramdam ko.. ramdam na ramdam kong..

I FEEL EMPTINESS AND SADNESS IN MY SOUL...

Insomnia...

Friday, September 26, 2008

Time Check - 3 : 21 AM

Yes dinapuan din ako ng antok sa wakas!!... Tsk tsk tsk...

Lagi nalang sapilitan ma2log dahil kung hindi ako ma22log ng maaga, mapupuyat ako, dahil maga ako kelangan umalis ng bahay.

Dapat on or before 8 nakaalis na ako...

Haaayyyy... stressful.. Sarap magbakasyon at mag-rest...

Santa Santita...

Monday, September 22, 2008

Sabi nga nila "Looks can be deceiving"...

Naniniwala ako sa kasabihan na yan. Maraming beses ko na naranasan magkamali sa panlabas na anyo ng isang tao. Madalas, meron akong nakikilalang mukhang anghel ang mukha, o di kaya naman kung minsan, hindi ganoong kagandahan pero nagugustuhan ng mga tao. Nadaya na rin ako sa ganyan, mukha naman kasing ok siya. Ika nga Santa Santita, nasa loob ang kulo. Tingin ko, naranasan ko na rin ang mga nararanasan ng mga taong hindi pa gaanong nakakakilala sa kanya. Yung tipong ok siyang kaibiganin. Hindi ko masasabing kilala ko na siya, pero sa mga ugaling naibukas na nya sa akin, masasabi kong mukhang hindi maganda. Ayokong husgahan ang buo nyang pagkatao, pero mukhang kahit anong gawing pagbibigay ng payo ng ibang tao, hindi pa rin natututo. May kasabihan ngang "One is enough, two is too much". Hindi na dapat ulitin pa ang nagawang pagkakamali. Dapat matuto na tayo sa ating pagkakamali.

Hindi natin masasabing mali ang sinasabi ng ibang tao tungkol sa atin. Opinyon nila iyon... may mga bagay din tayong hindi nakikita sa ating sarili dahil tayo'y nakakimi sa mga hindi magandang pag-uugali natin. Madalas mga magagandang pag-uugali lang ang ating nabibigyang pansin.

Marapat na putulin na natin ang mga sungay na tumutubo sa ating ulo habang maaga pa. Mahirap na maputol kapag ito'y tumagal na at natanim na sa ating uLo. Alisin natin ang ating pagiging Santa Santita upang tayo'y mas maging masaya kasama ng kaligayahang mararamdaman ng mga taong nasa paligid sa atin..

A Walk To Remember...

Grabe sobrang may hang over pa ako sa pagbabasa ng A Walk To Remember.. sobrang ganda!! Sana dati ko pa xa nabasa, bago ko pa napanood yung movie..

Nung binasa ko yung mga comment tungkol sa book, hindi ako gaano nawala dun sa isang comment na maiiyak talaga ang mga magbabasa nito. Sabi ko, hindi naman ako ganun ka-emotional sa mga kwento ng binabasa kong book.

At ayun nga, basa lang ako ng basa.. Kahit nakatayo sa MRT, kahit siksikan, walang makakapigil sa akin. Last Saturday, sobrang na-addict ako sa pagbabasa nito.. Sabi ko hanggang 12 AM lang ako, then nung 12 hindi pa tapos yung isang chapter, sabi ko tatapusin ko lang, nung natapos ko na, alanganin sa time, mga 12:17, sabi ko hanggang 1230 lang. Pagdating ng 12:30 hindi pa tapos yung isang chapter, so tuloy pa rin.. Hanggang umabot ako ng almost 3AM..

Nung malapit na ako matapos, napansin ko nlang na parang may luhang tumutulo sa aking mga mata. Shocks, totoo nga, maiiyak ka nga talaga!! Sabi ko nalang sa sarili ko, buti nalang nabasa ko yung mga part na yun, nasa bahay lang ako! Kesa yung nasa labas ako, kunyari sa MRT, baka magtinginan yung mga tao kng bakit ako umiiyak.. hhahaha =))

Grabe sobrang ganda tlaga. It was a love story of Landon Carter and Jamie Sullivan. Sobrang true love talaga yung naramdaman nilang dalawa.. Love that will conquer all.. AGAPE.

PARBOL

Last Thursday, September 18, nagparbol kaming tatlo nina Grace and JJ.. Matagal na kaming nagpaplanong magparbol, pero dahil sa laging busy, hindi na na2loy 2loy hanggang last week, sabi namin kelangan na ma2loy parbol namin..

So ayun nga, late na kami tatlo dumatng ng ofc, hmmm.. mga 1030 na rin, kaya mga 730 na kami nakaalis ng ofc.. Kelangan namin magmadali dahil baka masaraduhan kami ng Glorietta.. Dapat sa Greenbelt kami kakain, pero naisip namin na baka pag nagsara na ang Glorietta, hindi na kami makanood ng sine.. :(

Kaya ayun, sa Food Choices nalang kami kumain.. pero bago kami kumain, dumaan muna kami ng National Bookstore kasi bibili ako ng books ko.. After that, kainan na!!! Sa Dencio's kami kumain, kaso nakakadismaya.. hindi talaga masarap, tapos ung liempo ko, puro taba, AS IN!! Tinawag pa ako nung Manager, akala ko papipiliin nya ako ng hindi gaano mataba, dahil nagrereklamo ako.. tapos, ipapakita lang pala nya sa akin na puro taba talaga lahat!!! HALER!!! Ipagmalaki ba na puro taba.. YUCK!!

Pero ayun, after kumain, diretso na kami manood ng sine.. dahil wala naman gaanong pagpipilian na magandang movie, Hellboy 2 ang pinanood namin (kahit meron na akong downloaded video nun)... Nakakatakot din dun ang unti lang ng tao sa loob eh (weekdays kasi).. Tapos pinalabas ung trailer ng isang horror movie (Sorry I forgot the title).. sabi ko lang naman, what if ganyan pinapanood natin tapos ganito kadami lang tao sa loob.. Natakot ung dalawa.. kamote!!

Bumili rin si JJ ng Popcorn, sabi namin ni Grace, ayaw na namin kasi busog na kami, pero dahil masarap ung cheese, kami rin namang dalawa nakaubos, natira nalang kay JJ ung mga pop corn na unti lang ung cheese..hahahah =))

Nagustuhan naman namin yung movie, natuwa kami... hehehe =D Mababaw lang naman kaligayahan naming 3. Pinakanatuwa kami dun sa baby..

Hellboy : You're baby is so cute.
Baby : I'm not a baby, I'm a tumor..

hehehe.. wala lang., natuwa lang kami sa baby kasi mukhang baby nga naman at cute xa.. sayang lang hindi narinig ng maayos ni JJ..

Ayun, ginabi kami nakauwi. Dumating ako sa haws ng 1AM.. Kaya ayun, late kami ni Grace kinabukasan, tinanghali talaga ako magising.. Sabi ko pa naman papasok ako ng maaga kasi Friday. Si JJ lang nakapasok ng maaga.. heheheh =))

Sobrang enjoy nitong parbol na ito.. Til' next parbol ulit frendz.. Mag-plan ulit tayo kng ano susunod na magandang panoorin at kung saan..

At sana maaga na tayo makapasok para makaalis tayo ng mas maaga sa ofc, at mas mahabang parbol... Mas matagal, mas masaya! muaaahhh :*

Usapang LIBRO...

Friday, September 19, 2008

Kelan kaya maglalabas ng bagong book si Bob Ong? Last year pa yung huling release ng book, yung Mac Arthur eh...

Eh ang Twilight kaya, kelan ulit magiging available sa mga National Bookstore? (haha, ayoko bumili sa Powerbooks, sayang ang points sa Laking National Card =)) ) ilang araw na akong pabalik - balik.. :(

Sana mabili ko na ung The Secret.. wala pa rin kasing paperback nun eh..

Ang tagal maglabas ng paperback ng Harry Potter and the Deathly Hallows, excited na akong bumili nun.. pag nakita ko yun sa National, bibilhin ko kagad =D>

Meron bagong book si Lualhati Bautista at mukhang maganda xa, sa pagkakaalam ko tungkol ulit sa mga pangyayari noong Martial Law, mukhang mas hayagan ang mga inilabas nyang katotohanan dito sa Desaparasidos.

Next kong bibilhin yung Nights in Rodanthe ni Nicholas Sparks at Like the Flowing River & The Alchemist ni Paulo Coelho.



You can't Please EVERYBODY!!

Totoo nga ung kasabihang "You can't please everybody" noh?! Ako, sa ganitong bagay, oks lang.. hindi ko naman pinangarap na ma-please lahat ng tao, basta alam kong may mga kaibigan akong nagmamahal sa akin, may pamilya ako na lagi sa tabi ko, masaya na ako dun! Ano bang magagawa ko kung may hindi talaga nagkakagusto sa akin... naiintindihan ko sila! Really!! Kasi ganun din ako minsan, may mga taong kahit wala naman ginagawang masama sa akin, kinakaasaran ko, magsalita lang naiirita na ako! Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit.. basta ganun lang... Hanggang sa makilala ko yung taong iyon at tuluyan ko na maalis ang pagkaasar ko.. Madalas pa nga, sila yung mga taong nagiging malapit sa akin, at mga taong hindi ako iniiwan kahit anong mangyari.. Pero alam ko naman na hindi sa lahat ng pagkakataon, ganoon ang magiging katapusan ng aming kwento, maaaring hindi mawala yung galit o pagkaasar na yun, maari rin naman mawala nga pero hindi pa rin kami magiging malapit sa isa't - isa.

Basta ako, may maasar man sa akin, ang tanging iisipin ko lang, masaya ako sa ginagawa ko, masaya ako sa piLing ng mga taong nagmamahal sa akin, waLa akong naaagrabyadong tao, at wala akong ginagawang masama sa ibang tao. Bahala na sila kung anong gusto isipin sa akin... Kelangan ko ba silang pansinin? Kelangan bang ako ang mag-reach out sa kaniLa?! Kailangan ko bang patunayan ang sarili ko sa knila?.. hindi naman siguro.. In God's Time, mawawala naman din siguro ung pagkaasar nila sa akin.. maiintindihan na nila ako.. magugustuhan na din nila ako... makikilala na rin nila ang tunay na ako... at sana pagdating ng panahon na makilala nila ako, ang makilala nila sa akin ay yung good side of me, if ever man makilala nila ako ng buong - buo at malaman ang negative side ko, sana hindi nila ako husgahan ng ganun - ganun na lang, acceptance lang naman ang kelangan ko, tao lang naman ako, hindi perpekto, tulad nila nagkakamali din ako at meron din akong mga ugaling dapat pang baguhin o dapat pang paunlarin.. matanggap lang ako kung sino ako, ok na sa akin... masayang-masaya na ako!

Sabi nga ni Mother Teresa, "How can you love God if you don't love your neighbors". OO nga naman, pano mo mamahalin ang Diyos na hindi mo nakikita kung yung mga taong nakikita natin at nasa tabi lang natin hindi natin kayang mahalin.. Pero sa pananaw ko naman, umpisahan natin ang pag-ibig sa ating sarili.. Mahalin natin ang ating sarili, umpisahan natin ang pagtanggap sa ating sarili upang sa gayon ay matanggap din tayo ng ating kapwa.

Upcoming Shows... TeamKapamiLya!

Sunday, August 24, 2008

Posted by abscbnfan in TeamKapamilya Group : ( Sorry teamKapamiLya po akoh.. hihihhi ;) )

ABS - CBN Upcoming Shows :

I Love Betty La Fea
( September 2008 - to replace My Girl )
Starring : Bea Alonzo and John Lloyd Cruz


Pinoy Fear Factor
September 2008
Hosted by : Ryan Agoncillo



A Time For Us
October 2008
Starring : Jericho Rosales and Carmen Soo


Komiks Presents : Tiny Tony
October 2008 - to replace Varga
Starring : John Prats


Habang May Buhay
2008
Starring: Judy Ann Santos and Derek Ramsey


Eva Fonda
2008
Starring : Christine Reyes, Jason Abalos, Baron Geisler, Rustom Padilla and the original Eva Fonda - Ms. Alma Moreno


Banana Split
2008
Starrring : Kristine Hermosa, Bangs Garcia, Valerie Concepcion, Princess Ryan, etc.


Utoy
December 2008 ( unconfirmed )
Starring : Makisig Morales and Dolphy Quizon


Sineserye Presents: The Susan Roces Cinema Collection: Florinda
2008
Starring: Maricel Soriano


Nardong Putik
2009
Starring: Jake Cuenca and Shaina Magdayao (rumored)


Kung Fu Kids Book 2
2009


Super Inggo Book 2
2009
Starring : Makisig Morales


Gumising Ka, Maruja
2009
Starring : Ruffa Gutierrez ( rumored )


Who Wants To Be A Millionaire?
2009


The Singing Bee (Season 2)
2009
Hosted by : Cesar Montano


Prince Hours
2009


Lovers In Paris (Pinoy Version)
2009
Starring : John Lloyd Cruz & Sarah Geronimo ( rumored )


The Wedding
2009
Starring : Anne Curtis ( rumored )


Pieta
2009
Starring : Ryan Agoncillo


Maria Mercedes (Pinoy Version of Thalia's Mexicanovela Hit)
2009
Starring : Angel Locsin


Untitled Teleserye
2009
Starring : KC Concepcion


I'll be posting upcoming shows of GMA na rin.. hehehe

Biglang Nagdatingan..

Friday, August 22, 2008

Hahahah,.. ang saya-saya ko parang every week, may nakikita akong mga taong naging big part ng life ko, specifically ng aking College Life..

Last week, sobrang natuwa ako kasi nakita ko si Sir Noy.. wow!! Wala lang, hindi man nya alam pero parang tatay na talaga ung turing ko sa knya lalo na nung nag-aaral pa ako ng College.

Tapos ngaun, nakasabay ko si Master Randy sa MRT.. wow!! Ayun nakapagkwentuhan kami, pareho din kasi kami ng bababaan.. si sir naman, parang Kuya or pwedeng tatay na rin ang turing ko sa knya.. hindi nila alam un, hindi kasi ako expressive sa ganitong pagkakataon.. Medyo marami na naman din kaming napagkwentuhan eh.. pero sa chat nga lang.. hahah! Lagi sa akin kinakmuzta ni Sir ung mga ka-batch ko!! GaLing, pagka-graduate namin nag-resign na sila sa MIS, niloloko ko nga si sir, "Pina-graduate nyo Lang kami sir, tapos umalis na rin kayo sa school!".. hehehe.. la lang niloloko ko lang!.

Sinong special person naman kaya ang makikita ko next week.. I'm so excited... (clap)

I Miss You Bez.. :)

Last August 15, nag-meet kami ng bez ko.. medyo matagal na kasi kaming hindi nagkikita.. last kaming nag-bonding nung April 4 pa.. pareho kasi kami naging busy eh.. Pero since birthday nya nung August 5, ininsist ko na magbonding naman kami.. syang nga lang hindi nakasama si Kareen and Charity para buo na sana ang Genrizhel Belehori.

Ayun.. nagkita kami sa Trinoma.. manonood kami dapat dun ng The Mummy kaso 8 PM pa ung susunod na palabas, e kamuzta naman 6 PM palang nun.. aLangan maghintay kami ng 2 hours.. heheh :D Kaya napagdesisyunan namin na sa SM North nalang manuod.. kaso paglabas namin ng Trinoma.. kamuzta talaga.. ang lakas ng ulan sobra.. e ayaw na namin magsayang ng oras kakahintay tumila ang ulan.. ayun sumugod kami.. hahahah.. para kaming basang sisiw pagdating ng SM North, pano baha dun sa may daanan, badtrip!! Buti nalang malamig sa loob ng maLL, na2yo kagad ung mga pants namin..

Nakakatawa pa.. sobrang sikat ni ange, kahit san ata kami pumunta may taga-Claret na kilala xa.. hahaha.. "Hi Mam".. SIKAT!! Sabi ko nga sa knya ang dami nyang Fans.. hehehe

tapos ayun, nakabili na kami ng ticket pero pang-7 PM pa kaya nagkwentuhan muna kami ng unti sa labas ng movie house. :) Oks naman ung movie, pero parang sobrang natuwa lang kami dun kay Jonathan.. hahahah.. parang xa lang ang nagbi-break ng seriousness nung kwento..

After that, nag-window shopping kami.. ay bumili pala ako ng pillow case. Natuwa kami ni ange sa bear na pillow, kaya nagpapicture kami.. :D





















Habang naghahanap ng pillow case, nakita naman namin ang isa pang cute na pillow.. hindi lang kami nakapagpapicture.. nakakahiya kasi, nakita kami nung sales lady, oks lang sana kaso tinignan ba naman kami nung sumunod na dumaan, ay tinitigan pala nung babae nung nakita nyang magpipicture kami dun sa pillow.. sabi siguro paRang tanga 2ng mga 2.. hahaha.. pero wala kaming pake.. pero nakita namin nakatingin na rin ung mga cashier at sales man, kaya pinicture-an nalang namin ung pillow.. :(

Ayun after that, umuwi na kami.. hahaha :)) diet kami pareho hindi kami kumain...

Ang masayan nun.. magkikita ulit kami bukas dahil celebration ng birthday ni Kareen... Ang saya!! Sana laging ganito...

Betty La Fea

Sunday, August 17, 2008

Wow.. Sabi ko na nga ba eh.. si John Lloyd ang gaganap na Armando Solis sa Betty La Fea..

Maraming pinagpipilian before.. akala ko hindi na iti-team up kay Bea si John Lloyd, pero nagtaka ako bakit nandun pa rin sya sa mga pagpipilian.. Lately nagkaroon ako ng idea na baka si John Lloyd talaga yung gaganap, ginawa lang anonymous kasi meron pa silang movie ni Sarah Geronimo (*na sobrang natuwa ako.. hehehe!*)

Sobrang natuwa ako kay John Lloyd at Sarah sa movie na 2.. at dun ko rin na-realize na gusto ko na si John Lloyd na actor.. Sobrang magaling kasi xa umarte!! Ang saya sila ulit magka-partner ni Bea, maganda kasi ang chemistry nila on TV kahit hindi sila in real life..


Aabangan ko taLaga 2.. papasok na ako ng maaga at uuwi ng maaga para makanood nito.. hahahahh =))

They Have Jesus

Tuesday, August 5, 2008

Kanina bago ako umuwi, nagbalik loob ako sa National Bookstore heheheheh.. almost four months na rin akong hindi nakakadaan sa National at nakakabili ng book (it was before I bought my PSP) and lagi na rin kasi ako dati nagba-bus so no chance para makadaan sa Glorietta.

My purpose kaya ako nagpunta sa National ngaun is to buy a briefcase for my brother. Bago ako magbayad, napag-isipan kong tumingin tingin muna ng mga libro. Naisip ko kasi na baka may mga bagong magandang books nang inilabas within those 4 months. Habang naglalakad ako.. nakapukaw sa akin ng ung book na parang ang title ay may "Sopas", nasa Inspirational na section xa. Binasa ko ng konti ung nasa loob, pabuklat buklat then nakita ko ung isang book na ang cover is parang "Last Supper". Nung tinignan ko yung nasa paligid ni Jesus, nakita ko yung parang mga bata at hindi mga apostoles. Then nagbalik sa aking alaala ang aking experience sa PREX...

Yung last talk before our graduation, medyo parang na-bore na ako at dahil nagpatulong sa akin ang bestfriend ko na magsagot ng problem sa math, nawala ang focus ko sa speaker. Si Bro. Bobby ang speaker. Nahiya naman ako dahil nasa likod ko pala sa Nanay Chit kaya nagbalik ako ng concentration ko sa Talk. Pumukaw talaga ng atensyon ko dun ay yung pinapanood nya kami ng documentary entitled

"Sa Kambas ng Lipunan - On the Canvas of Society"

Sobrang tinamaan talaga ako sa bawat sinasabi ng narrator. Sapul na sapul.. Shet.. anong klaseng nilalang ako... :(

After manood, nagsharing kami. Dun ko din na-realize na.. this is my favorite talk, and Bro. Bobby is my favorite speaker sa entire seminar. Grabe the best talaga!!! Plinano ko na humingi ng copy kay Bro. Bobby but unfortunately lagi kong nakakalimutan. :(

And then ngaun araw na ito, nakita ko yung book entitled "They Have Jesus (The Stories of the Children of Hapag" by Joey Velasco. Shocks ito yung book version nung pinanood namin... Bago ko tiningnan ung price, hiniling ko na sana hindi ganun kamahal at I can afford to buy it.. And the BEST talaga si LORD!! Hindi xa ganun kamahal, actually mura lang xa compare sa mga binibili ko dating mga books.. at nagkataon may extra money ako today dahil kaka-withdraw ko lang!! YEHEY nabili ko yung book!!!

Ngaun-ngaun lang.. habang ginagawa ko 2ng blog na ito, bigla kong naisip parang gusto ko sana i-share sa makakabasa nito kaso hindi ko pa nakukuha ung copy, ng video... bigla rin pumasok sa isip ko ang YouTube. Nag-try lang akong mag-search,nakalimutan ko kasi yung title. natatandaan ko lang meron dun painter tapos may word na lipunan.. So, I typed "Obra ng Lipunan" and luckily (at dahiL aLam ni Lord na this is one of my way to share this video at para makapag-inspire ng tao) nakita ko kagad ung video and una sa list ng result ang Sa Kambas ng Lipunan - On the Canvas of Society.. Galing sobra!!!

Watch this video and be inspired. Sa Kambas ng Lipunan - On the Canvas of Society

I hope nakapaginspire ako sa inyo (kahit papano).. and somewhat you have realized yung kalagayan ng ating Lipunan at kng makakatulong tayo, let's help without hesitation!!

Kung ang isang bata nga pag tinanong kung ano ang kanyang gagawin pag nakita nya sa kalsada si Hesus na nagugutom, ang sinasagot ng bata ay yayain nyang kumain at pagpapahingahin!! Tayo ba hindi rin tayo tutulong sa mga batang nangangailangan ng tulong natin?! Paano kung si Hesus na pala yun!!

Tayo ang mag-decide kung anong tama at dapat gawin!!

Kung Ano Lang Maisip...

Friday, July 18, 2008

Random Thoughts :

Nakakaasar nawala ung coin purse ko.. feeling ko nalaglag ko sa tricycle sira kasi ung zipper nun, nakasabit sa key chain xa.. pagbaba ko ung key chain nalang ang nakasabit sa daliri ko.. feeling ko talaga nalaglag sa tricycle un, ang bigat kasi ng laptop, baka nung pagbaba sabay nalaglag na rin.. nung nakailang steps na ako..tsaka ko lang narealize na wala na pala ang wallet ko at wala na ang tricycle nakaalis na.. medyo malaki pa naman nakalagay dun.. dun ko kasi nilagay ung sukli nung kumain kami.. sana hindi nalang ako nagdalawang isip ilagay sa bulsa ko ung sukli at sana pagkabyad ko sa tricycle driver nilagay ko na kagad sa bag ko ung wallet ko.. kaso may sumakay na pamilya tapos may mga ksamang bata so siksikan kami sa loob ng tricycle kaya hindi ko na nailagay yung wallet ko dun.

Naisip ko rin, regalo ko nalang un sa nakapulot kahit na hindi nya alam na ako ang nakapulot. Pero bigla ko pa rin naiisip sayang pa rin un, pinagpaguran ko pa rin ung pera na un tapos mawawala nalang ng ganun nalang. Marami na akong pwedeng nabili sana dun....

At sayang talaga dahil sa mahal ng gastusin ngaun, hindi dapat mawala ang kahit isang piso. Grabe ba naman ang laki ng tinaas ng pamasahe... Nung isang araw nag-bus ako galing Ayala, 45 na ang pamasahe hanggang Sandigan e last week lang 38 palang. Tapos nag-FX ako kanina.. parang one month ago, 15 pesos lang ang fx hanggang hiway, tapos last week lang naging 20 pesos,, tapos ngaun 25 na.. grabe sa sobrang lapit nun...

Nkakabadtrip pa dun.. nag-FX nga ako kanina para makapasok ng mas maaga kasi baka malate na ako.. (mas mabilis kasi pag FX kaysa bus at jeep).. tapos hinto naman ng hinto.. Yung kasabay ko sa jeep ng galing sa amin.. sa hiway din pupunta, nagjeep lang.. tapos pagdating ko ng hiway nandun na xa.. shocks naunahan nya pa ako.. nagjeep lang xa.. tapos ako nagbyad ng mahal sa FX.. next time jeep nalang talaga ako.. pero ang sasakyan ko lang na jeep ay ung mga byaheng Welcome Rotonda at Quiapo, dahil mabilis magpuno ng pasahero dahil malayuan ang byahe kesa sa mga byaheng Delta Hiway lang.

Sa mahal din ng bilihin.. nakakahinayang na gumastos ng kng ano-ano lang.. ang taas na kasi ng bilihin sa lahat ng parte ng Pilipinas, kahit ano pa bilhin mo.. buti pa ang pamasahe sa MRT hindi pa rin nagtataas. Yun lang dahil hindi pa nga xa nagtataas, ang dami ng sumasakay ng MRT para makatipid..Oo nga naman kng gusto mo maging praktikal, magMRT ka nalang, mabilis na mura pa.. Yun nga lang maghihintay ka ng matagal para makasakay dahil sobrang daming tao. Pero pag bumibili ka ng stored value, makakatipid ka talaga dhil ang piso na natitira, makakasakay ka pa rin ng MRT. PanaLo db!! Kaya tara sakay na!! hahahahah =))

Actually dapat ang title nitong blog na ito ay tungkol sa mahal na mga gastusin at mahal na pamasahe, puro dun lang ata nadiscuss ko d2 e hehehe.. Nakakalula na talaga kasi ang mga bayaran ngaun..Parang kakasahod mo lang tapos sa isang iglap wala na ang sahod.. malayo pa bago dumating ang susunod na sahod mukhang kakapusin na sa budget.. Parang nakikiraan lang ang pera.. sabi siguro ng pera sa akin.. Excuse Me.. sana hindi ko nalang pinadaan..

Pag ako nakaipon ng pera.. bibilhin ko na ang mga pangarap kong bilhin.. tapos magiinsurance ako at mag-educational plan para sa kapatid ko.. san ba magandang magpa-educational plan? wag lang sa CAP, palpak na ata ngaun ang CAP e.. baka masayang lang ang hinuhulog ko sa knila. Tapos pag na-approve na ung credit card ko, may bibilhin na kagad ako...

Ayan na nga ba sinasabi ko e.. kaya hindi ako nakakaipon e.. wala pa nga ung pera,may plano na kagad bilhin... haaaayyyyy... pero atleast kahit papano may ipon naman ako.. medyo maliit nga lang. Pero parang mas magaling pa akong mag-ipon nung student palang ako kaysa ngaun nagtatrabaho na.. Nakakaasar dapat nga mas malaki pa ang ipon ko ngaun e.. pag ako talaga nakaipon ng mas malaki-laki, magpupundar na ako ng mga dapat ipundar.. hahahahah =))

tapos May plano din pala akong mag-housing loan sa Pag-ibig next year pag naka-2 years na ako magwork.. kasi ang minimum requirements dun dapat 2 years ka na naghuhulog sa pag-ibig bago ka makapagloan.. tapos next year ang goal ko is makapagloan na ako para makabili na ng Revo na pwedeng ipambyahe ng papa ko ;).. kaya bago ang house, plano ko talagang unahin ang pangkabuhayan ng pamilya ko.. para after ilang years pa mas madali ng magkabahay!!

Ayun lang.. parang nag-stop na ung utak ko sa pag-iisip ng kung ano-ano e... napaparanoid na ako sa kakaisip ng kng ano-ano.. may iniisip palang akong isa. biglang may papasok na bagong iisipin.. haaaayyyy,,,., ayan.. nablank na ang isipan ko.. post ko na 2.. yehey!! (clap)

Friendster..

Sunday, July 6, 2008


Whaattdddaaa!! Ano ba 2ng friendster na 2.. Just visit friendster to check my account, tapos ito maabutan ako!! Damn!! May QA ba siLa?? hahahah :))

Sana man Lang naglagay ng warning message na under maintenance paRa mukhang user-friendLy naman kahit papano dabah!!??!! =))

naSan na keo??

Wednesday, July 2, 2008

Anong meron??

Bakit paRang inActive ng mga fRiends ko ngeun sa multiply??

Naninibago ako.. waLa akong makitang updates!! BihiRa rin ang bLog entry...

Busy ba ang mga tao ngeun??

Ano na nangyayari!!!

Anong dahiLan.. shaRe nyo naman!!!

Miss ko na mga Post nyo!!! :)

Weirdos

Monday, June 30, 2008

People are so weird today..

They looked at me.. tinititigan pa ako.. hindi ko naman aLam kung bakit..

Shets.. ayaw ko pa naman ng tinitignan ako ng maSama.. ung kakaiba ba ang tingin...

Hindi ko alam kng meron ba akong dumi sa mukha.. or baka bukas zipper ko..


I Miss Books!!

Saturday, June 28, 2008

Namimiss ko na magbasa ng books!! Grabe last ko ata na basa ng book ay nung April??!! At ang book na yun ay The Rule of Four.. at ang nakakalungkot dun, hindi ko pa xa tapos. Buti nalang natapos ko na ung Trilogy ni Dave Pelzer!

Shocks hindi na rin ako nakakabili ng books.. ang dami na sigurong bagong books na maganda (best seller??!!) na bagong labas ngaun?? Dati rin.. araw-araw akong dumadaan ng National Book Store or Powerbooks.. naghahanap ng pwedeng bilhin.. Ngaun hindi na :(

The reason is.. mas naging busy ako sa ibang bagay at sa PSP ko.. waaaahhhh dapat next month matapos ko na ung The Rule of Four at makabili na ako ng bagong books.. target ko pa naman bilhin ung book ni Paulo Coelho na "By the River Piedra I Sat Down and Wept" pati ung kay Gabriel Garcia Marquez na "Memories of my Melancholy Whores"...

PSP Adeekktuss Part 2

Yey!! Meron na akong Daxter na game and Car Racing.. Kaso badtrip corrupted ung na-download ko na Agent Clank... :(( Excited pa man din ako maglaro nun...

Sobrang saya ko malalaro ko na ang Daxter ang tagaL ko na gusto laRuin nito.. dati kasi parang laging hindi available ung download :D


SOON .... Excited na ako!!!


PSP Adeekktuss

Monday, June 23, 2008

Grabe.. kaya ayaw kong nauumpisahan maglaro ng PSP e.. kasi hindi na ako natitigiLan!!

Ilan sa mga kinaadikan kong laruin..

1. Final Fantasy Crisis Core - First Game na niLaro ko sa PSP ko.. ;) .. hindi ko pa natapos 'to :( matatapos na kasi ako dapat kaso dinilete ni Nheo ung game tsaka ung mga Saved Games ko :(


2. Luxor - bibili ang tita ko at ang friend ng tita ko ng PSP dahil dito sa game na 2,.. sows!!!


3. Super Collapse 3 - meron din ako ng game na 2 sa cellphone ko.. kaso mas masarap laruin sa PSP..

4. Tekken Dark Resurrection - nababadtrip kasi ako pag natatalo ako.. kaya hindi ako tumitigil hanggat hindi nakakapaghigante.. hahahahha :D

5. Bomberman - mas masarap laRuin pag multi-player.. ang saya ng labanan!! Minsan parang ang corny pag ako lang naglalaro at computer lang kalaban!!!... ;)


Iba pang games na nilalaro ko din naman.. kaso di pa ako tinatamaan ng ka-adikan :

1. Loco Roco
2. Metal Gear
3. Tales of Ethernia
4. Diner Dash

Mga gusto ko pang laruin (ilan sa mga naalala ko) :
1. Patapon - naka-install na 2 dati.. kaso ang bagal magloading.. ay d pala mabagal forever Loading na.. kaya binura ko nalang.. papainstall ko nalang ulit!
2. Daxter - until now wala pa rin akong nakukuhang installer nito :(


Yun lang.. share Lang ;) at maRami-rami pa akong lalaruin!!!

In reLation with Cake Mania 2...

Tuesday, April 8, 2008

It's been a long time since nagblog ako... hehehe long weekend nga, wala naman kaming internet hanggang monday... d ko kasi binayaran ng 2 months.. hahahahh =)) anywayz.. dahil walang internet, walang magawa kaya naglaro nalang  ako ng cake mania, ayun na-adik ako!! Grabe, imbes na magpahinga ako ng weekend, hindi ako gaano nakapag-rest dahil sa kakalaro. Inaabot ba naman ako ng 3am kakalaro lang e! tapos gigising ako ng mga 10 am, laro ulit.. hahahaha!! ang saya puro laro lang!!

Grabe ang layo na ng narating ko, meron na akong 2 trophies, 4 more to go!! yahoooo!!!


Nkapaglaro na ko sa bawat place na makikita nyo dyan.. hahahahah :)) Ang tagal laruin bawat isang house, kasi January to December, tapos sa isang place, minsan hindi lang once mo mapapasok depende kung sino humingi ng 2long sa'yo... minsan kasi different person humihingi ng 2long pero sa same location lang ginaganap.. hehehhe

Ito ang setup pag naglalaro ka na.. yan ang umpisa, isang Oven, isang pagawaan ng icing..ung isa dun na may menu, customer ko un, warning : wag mo clang gagalitin at paghihintayin dahil lalayasan ka talaga nila... hahahaha =)) Sobrang bagal nyan magfunction nung oven at pagawaan ng icing kaya kelangan PATIENCE!!
at hindi pwedeng hindi ka mag-upgrade dahil mapag-iiwanan ka..


After one level, dadalhin ka sa shop kung san pede kang mamili ng pwede mong bilhin or iupgrade na gamit, pero kelangan mo munang mag-ipon para mabili yun.. Grabe d2 talaga ako natutong magbudget, promise!! dapat kasi alam mo kng 
kelan dapat at hindi pa dapat gastusin ung pera mo!

Strategy din kelangan dito, dapat alam mo kng ano ang dapat unahin... at ang pinakamahalagang attitude is FOCUS, wag kang matataranta sa mga customers mo,, pinipressure ka lang nila... Relax then Work.. :))

Hindi lang ito basta game, kung iisipin lang natin, magmuni-muni, ma22to rin tau sa mga simpleng bagay sa buhay!!

1. PATIENCE =>> very very important, kasi hindi lahat ng gustuhin natin dumarating sa isang 
iglap lang, minsan sobrang tagal pa bago ung i-grant ni Lord sa atin, minsan pa kung hindi ito para sa atin, hindi na talaga dumarating... "IT TAKES TIME"... ika-nga.
2. TRUST =>> dapat pagkatiwalaan mo yung character mo sa laro na makakaya nyang gawin yun, xmpre sa tulong mo!! Xmpre in life, matuto tayong magtiwala sa ibang tao para matutunan din natin pagkatiwalaan ang sarili natin..
3. BELIEVE =>> believe na mananalo ka at mamimeet mo yung Baker Goal mo sa game! always believe in yourself.. kung naniniwala ka na kaya mo, magagawa mo!! believe with GOD! All things are possible with God, maniwala lang tayo!
4. HOPE =>> kung d mo man mareach ung goal mo dun sa game, don't lose hope, may pag-asa pa!! Laging may pag-asa, nasa sa atin lang kung pano natin dadalhin, panghahawakan at kikilos para magkaron ng pagbabago! Related with # 3, BELIEVE!!
5. BUDGETING =>> tulad nga ng sinabi ko sa taas, I learned to budget my money. Dapat alamin natin kung kelan dapat at kelangan ng gastusin yung pera.. hindi lang puro pagtatapon ng pera.. natuto na ko d2, ayoko ng maulit!! Mahalaga na sa akin ang bawat singko ngaun... promise!?!
6. FOCUS =>> sa game na 2, hindi uso ang natataranta, mas napipressure ka kasi at lalong hindi mo nagagawa ang dapat mong gawin. in Real life, ganun din pag lagi kang pressured mas lalong nahihirapang mag-isip ng solusyon!! may mga taong pag pressured masyado, mas madaling nakakapag-isip. Pero most often, dahil pressured nga, hindi 100% quality ang output!!
7. RELAX =>> hindi dapat puro work at pag-iisip, we deserve to relax kahit sandali lang para naman makapagrefresh!! Mas mahirap ang stressful... Sa game na 2... relax lang maglaro... wag mapressure, isa-isa, one at a time.. mahirap mag-excel sa dalawang bagay ng sabay!! Pwedeng one at a time, but not at the same time...

Some of my viewpoints habang nilalaro ko itong game na 2.. hindi pa ako tapos maglaro... so 
malamang madadagdagan pa 2ng viewpoints ko sa iba't ibang bagay!!

 

Hillsong United In Manila '08

Thursday, March 27, 2008

Venue: Araneta Coliseum

Event Date/Time:
May 26, 2008 | Monday at 8:00pm

Seat and Price:
Seat Location Price
Patron (Reserved Seating) 1162
Lower Box (Reserved Seating) 930
Upper Box A (Reserved Seating) 698
Upper Box B (Free Seating) 465
General Admission (Free Seating) 291

For reservation :
http://210.1.130.73/2006/detail.php?eid=778&res=Y


waaahhh... paRang gusto kong manood dito sa concert na 2... SANA!!!

Holy Week Activities

Late post na ito para ikwento ang mga nagawa ko nung Holy Week...

March 20, Thursday
Hindi ako nakasama kina mama at papa pumunta sa Lourdes Grotto sa San Jose Del Monte Bulacan. Prang naging panata na namin yung pagpunta namin dun yearly tuwing Holy Week. Simula pagkabata ko kasama na ako dun, until ngaun malaki na ko, pumupunta pa rin ako!!

Gusto ko rin sana sumama magbisita Iglesia, kaso sabi ng mama ko baka kinabukasan pa daw pumunta dun.. tapos umalis ung tita ko.. hindi ko alam kng san pumunta, nung tinanong ko lola ko, nagbisita iglesia daw xa... gRRrrrr... sabi ni mama bukas pa, hindi 2loy ako nakasama!!

Pumunta rin si Nheo sa simbahan para mag-confess, niyaya nya ako, pero hindi ko alam kung bakit parang sobrang may pumipigil sa akin na gawin yun,, bigla akong nawalan ng lakas ng loob,,, siguro hindi pa talaga ako handa!! Next year, promise ko talaga sa sarili ko, magcoconfess na talaga ako, at hindi talaga pedeng mabreak ung promise ko na yun... Nahihiya na rin talaga ako kay God, sobrang dami ko ng pagkakasala sa kanya!! Itong blog na 'to ang isang magpapaalala sa akin sa promise ko.. at lagi ko din yun pakatatandaan!!

Aside from this, gumawa rin ako ng Diploma sa SiboL, natapos ko rin naman kagad, ginamit ko nalang yung design ko last year, ayoko ng umulit pa, sobrang parang waste of time.. heheheh.. katamaran lang actually!!

March 21, Friday
Hindi pwedeng hindi ako pumunta sa Grotto, e ayoko magisa kaya niyaya ko ang aking dearest sister, at buti sumama naman dahil libre ko naman lahat!! sows... maaga kami umalis para maga rin makabalik. Grabe sobrang daming tao, may part nga na parang scenario sa Divisoria pag magpapasko na.. sobrang dikit dikit na ang tao, pano pinapasok pa ung mga sasakyan e dapat wala ng oapasok kasi maraming tao puro naglalakad papuntang hi-way,. Ayun pagdating dun, nag-station of the cross kami. After that, bumili lang ng pasalubong tapos umuwi na kami!!

Sobrang pagod ako pagbalik ko ng bahay, after kumain ng lunch, 2log!! hahaha.. dapat punta akong simbahan or sasama sa daan ng krus, kaso sobrang pagod talaga,, naalala ko nagising ako ng 3pm dahil nagtext si nheo na pabalik na raw sa simbahan kaso ewan ko ba bumalik ako sa pagkakatulog. Pagkagising ko, mag5pm na, pero pumunta pa rin akong simbahan at sakto naman na paalis na yung magpuprusisyon kaya sumama kami ni Nheo!!

March 22, Saturday
Wala akong ginagawa kaya ginawa ko nalang yung pinapagawa ni tita na brochure para sa school namin, ayun nagconsume talaga xa ng most of my time, hehehe :D tapos inumpisahan ko na gawin din yung invitation (pero parang yearbook na rin) for the gRaduation ng kinder.. haayyy ang tagal gawin!! Pero nung gabi, nagsimba kami ni Nheo at mga kapatid ko. Meron serve si Nheo as Lector, ako parishioner lang, hehhe :D Tulad ng gawain namin dati nung Sakristan pa ako, may nagsayaw ng Pandango sa Ilaw at ng Papuri sa Dyos... wow naalala ko sobra ung dati sumasayaw kami lagi pag may event sa simbahan,.. ang saya!! After that, nakigulo ako sa choir na nagpipicture taking! Sabi nila Kuya Mike, kelan daw ako mag-choir.. Ang tagal ko na kasing sinasabi na aattend ko pag tintanong nila ako pero lagi naman akong nhihiya. (**wow mahiyain, hahahahha**) ahhahah.. sabi ko aattend na talaga ako promise!! Sana d na talaga ako mahiya!! hehehe :D Paguwi namin, nanoood lang kami ng movie ni Nheo, hahah AnaK, nakakaiyak kaya un!! Pero parang naiyak nga din si Nheo,,, hihiihihi

March 23, Sunday
Actually kaya ko inuwi ung laptop para magwork talaga para matapos na yung ginagawa ko sa office, pero for the past few days puro not related to work ung ginagawa ko... kaya promise ko gagawa na ko ngaun. Pero ang inuna ko pa rin ay ung pagpapatuloy na pagawa ng invitation,. Nung gabi, finally gumawa na rin ako sa wakas!! Pero hindi ganun kadami nagawa ko, pero oks lang atleast nabawasan db?!!

Haaaayyyy,,, at ito ang experience ko this holy week (vacation).. ang sarap magbakasyon.. BIIIITTTTIIIINNNNN!!! SOBRA!!

YESTERDAY'S DREAM - My Kinder Moments

Tuesday, March 18, 2008

Kanina before leaveing our house (going to the office), narinig kong nagpapractice ng kanta ung mga Kinder sa school namin... kinakanta nila ung Yesterday's Dream.. Well, naalala ko ung mga memories ko nung Kinder pa ako, un din kasi Graduation Song namin.. Naging trademark na 'to ng school namin, starting palang sa amin.. kami ata ang unang batch ng graduates, nung OMEP palang at ngaun naging Sibol Learning Center na!

Ang saya-saya talaga nung kinder palang ako, nung wala pa gaanong problema, laro lang, papasok sa school, aral, ganun lang ang buhay. Basta ang natatandaan ko, gusto ko laging may pasok para makikita ko mga classmate ko.. ayaw na ayaw kong nagaabsent, umiiyak pa nga ako noon pag may bagyo at dineclare na walang pasok e.!

Tsaka karamihan kasi ng mga classmate ko nung Kinder, naging classmate ko until 4th year high school.. At take note, marami kami sa batch namin nung Kinder ang grumaduate with honor nung High School. At until now, marami sa mga galing sa OMEP/Sibol Learning Center, gumagraduate with honors ng Elementary and High School, actually pati College. heheheh :D

Sabi nga nila, ung Kinder ung pinakastage na foundation ng studies ng bata... naniniwala ako dun! pero still, magiging depende pa rin sa student on how he/she can handle his studies... pero still again kung maganda pa rin foundation sa pag-uumpisa mo ng pag-aaral, dun magsisimula ang magandang kinabukasan.. naks... heheheh :D

YESTERDAY'S DREAM


We are the Children of yesterdays dream
We are the promise of the future we bring
Waving the banner of love to all
To every nation..the rich and the poor

~ReFraiN~
We are the world of the restless and young
And we need a hand to guide us
Helping each other..Build each other
As long as we're together you and me


~ChoRuS~
For together we stand..Divided we fall
Together we climb to the top of the world
We can be what we want for the world to see
That we are the children of Yesterday's Dream

We have the yearning to do what is best
Be someone special from all the rest
Nation and brothers in unity
Building tomorrow For you and For me

~RaFraiN~
~ChoRuS~

We are the dream come true
We are the children of YESTERDAY'S DREAM!


-- NOTE : Actually binayaran ako ng school namin para magpromote ng Sibol Learning Center e! heheheh joke lang!!

Dave Pelzer's Trilogy

Monday, March 10, 2008

Sa wakas, I have finished reading books of David Pelzer... Book 1 : A Child Called "It", Book 2: The Lost Boy, and Book 3 : A Man Named Dave... This is the story of his life... Grabe sobrang bilib ako sa taong ito, napakatatag... I just hoped I'll be like him..

Book 1 : A Child Called "It"

Sobrang nasasaktan ako habang binabasa ko itong book na 2... naaawa ako kay Dave Pelzer as a child. As a child, dapat nasa labas siya at naglalaro with his friends. But unfortunately, nasa bahay lang siya lagi to cope for his mother's game!! He was almost killed by her mom, but still parang wala lang sa mom nya! Ang tanging iniisip nya lang is how to survive.. He always have hope na right time will come at may makakawala xa sa parang bangungot na nangyayari sa kanya!! He still wants to survive... He steals food just to survive, he will do anything just to accept him as a person even at school or at his home... His mother treats him as "IT" and not a person. He was treated as a slave and not part of the Pelzer family. Ang sakit nito para sa isang tao, ang hindi ka tanggapin. Ok lang sana kng hindi ka tanggapin na nakararaming tao, pero ang pinakamasakit kng pati family mo ay hindi ka tanggapin. Lahat na ata ng kasamaan na pwedeng gawin ng isang ina para sa isang anak, nagawa na ng nanay nya. But still, God loves him so much and God granted his wish, his teachers rescued him from his mother.

Book 2 : The Lost Boy
In this book, he already won his freedom from her mother. Nagkaroon siya ng maraming foster parents. Nagpalipat - lipat siya ng tirahan. He also met Ms. Gold, the angel of his life.. The one who enlightens his life, siya ang malaking dahilan kung bakit ganoon na lamang ung tapang nya na sbihin sa nakararami ang "Family Secret". Sa last foster parent na natirahan nya, natuto siyang maging independent. He will do anything to survive. Alam kasi nya na at the age of 18, they will no longer under the management of the Foster care. Lahat din ginawa nya to be accepted by people. Pero... he still carries the burden caused by her mother.. Takot pa rin xa na baka dumating ung time na babawiin xa ng mom nya, because he knows "The Mother" always win!! This is his struggle to live in the world accepted by people.


Book 3 : A Man Named Dave

Grabe, sobrang bilib na talaga ako sa taong ito!! After all his struggle to survive, he fulfills his lifelong dream, to be part of U.S Air force. Iba rin xa sa mga may history of being abused.. ayaw nyang mangyari iyon sa knyang anak, unlike others na iginaganti sa iba ang naranasan nila before. Pero, hindi ko pa rin maunawaan kung bakit ginawa iyon sa knya ng mom nya,, na-explain na partially with this book when Dave finally got courage to talk with her mom after so many years. For me, hindi pa rin valid ang reason ng mom nya,.. hindi ko rin masisi si Dave kng bakit hindi nya kaagad napatawad ang mom nya... Marami pa rin siyang na-experience na failure during his adulthood pero hindi siya sumuko.. He is also a volunteer na tumutulong sa mga batang tulad niya na na-abused din ng mga magulang. He serves as an inspiration to all Americans.


Because of his service to the US Air Force and a volunteer speaker for abused child, he was awarded as one of the Top 10 Outstanding Young American. Aside from this, after many years of service, he was also awarded as Outstanding Young Persons of the World. He was also one of the torch bearer in the Centennial Olympics. Galing sobra!!! IDOL!!! He was also a model father for his son Stephen,.. any child will wish to have a dad like him. He is truly a great person inspiring many people's lives...

Long Weekend @ Baguio - Day 4 (Going Home)

Wednesday, March 5, 2008

Super late post na ito,...

February 25, Last Day @ Baguio

It's my birthday... Gumising kami ni Nheo ng maaga para makapunta pa kami sa Strawberry Farm at makabili ng pasalubong. Kelangan namin magmadali dahil 11 am ang schedule ng alis namin...

Sa La Trinidad pa yung farm, sabi nung taxi driver, malayo daw talaga ung place na un!! Grabe sobrang layo nga!! kawindang!! Pero sulit naman pagdating dun... maganda talaga yung place.. Yun lang hindi kami nakapitas ng strawberries.. kasi lahat ng nadadaanan namin sobrang maliit pa at hindi nmin alam kng ano ang hinog at hindi... Sobrang init na rin, dahil sa aming last day.. tumirik ang araw.. walang uLan!! Bumili nalang kami ni nHeo ng strawberry dun sa nagtitinda sa gate papasok ng farm.. heheheh :D

Nakapamili na rn kami dun ng pasalubong.. hindi na namin kinailangang pumunta ng Baguio Market.. at tutal same price lang din naman ung mga paninda.. Almost 9:50 na nung makaalis kami ng farm.. Kelangan nasa apartelle na namin kami ng mga 10:30.. So I thought sakto lang ung alis namin.. At hanggang ngaun ba naman minamalas pa rin kami.. sobrang traffic pabalik sa La Trinidad!! Ano ba naman 2!!! Buti nalang napakiusapan ang driver ng taxi na humanap ng ibang daan.. kaso sabi nya mapapalayo talaga kami dun sa dadaanan pero at least walang traffic!! Sige nalang, makarating lang sa tamang oras!!

Ang layo nga ng inikutan pero at least nagkaroon kami ng Road Tour sa Tam-Auan.. Maganda daw dun sobra, kng hindi nga lang gahol sa oras pupunta dapat talaga kami ni Nheo dun!

Ang galing, matapos ang paikot-ikot naming tour, paglabas ng masukal na daan, Session Road na.. !!! Nagwithdraw pa si Nheo, kaya hinintay pa namin xa.. tapos pagdating sa apartelle, 10 mins to go before 11. Sobrang nagmdali kami kasi d pa kami tapos magayos ng gamit!!!

Hala bitbit nalang kami ng gamit kahit san-san na nakapasak ung mga gamit naming hindi naligpit... Kelangan namin mahabol ung 11 am. Sobrang madali na kami., Dumating kami ng Bus Station ng 11:05. Akala namin late na kami, kaya super taranta kami.. Pero ayun, as usual delayed na naman ang mga alis ng bus sa Victory Liner. Nakabalik pa nga si nHeo sa apartelle para maligo e!! Nakapagpicture taking pa!!



Pero kinakabahan ako habang wala xa.. baka kasi dumating ung bus namin.. pano na ko?? Kelangan ko pa naman makauwi today sa bahay para xmpre makasama ko rin family ko sa birthday ko.. hhuhuhuh :((

Dumating sa tamang oras si Nheo, d pa dumarating bus namin.. Kaso nung dumating na ung bus.. hindi pa xa bumabalik, bumili kasi xa ng lunch namin.. Haaaayyy life, nataranta na naman ako at kinabahan. iniwan ko dun sa matanda ung gamit namin.. Thanks God hindi nawala ung mga gamit!!

At ayun.. ang tagal sobra ng biyahe.. 2wing stop over, bumababa kami.. or nagpipicture sa bus, minsan kahit umaandar ung bus picture pa rin heheheh :D

walang magawa!!! kawawang shades napagtripan ko!!!

at nung nakasakay na kami ng taxi pauwi sa amin.. nagpicture taking muna ulit kami kahit madilim!! hahahahah :)) trip Lang!!


Last Day @ Baguio, medyo may kamalasan pa rin kami!!! hehehehh :D pero hindi sobrang maLas...

And this was our experience in Baguio... Til next Panagbenga Festival!!! See yah.

hazeLine fuRing now signing off...

Long Weekend @ Baguio - Day 3 (Float Parade & Baguio Tour)

Thursday, February 28, 2008

February 24, Sunday

We woke up early para mapanood ung parade ng mga fLoat, it will start at 8am. Mga 815 na kami nakalabas ng room, pero Thank God d pa nagstart dahil medyo malakas pa ang ambon. We decided na mag-almusal muna.. at ang pinakamalapit at within Session Road at dadaanan ng parade ay walang kamatayang "Chowking". (Chowking na nga halos araw-araw pag may pasok sa office, Chowking pa rin hanggang sa Baguio, haayyy ayaw akong lubayan!!hehehe). Habang naghihintay kami ng order, nag-umpisa na yung parade dahil tumila na ung uLan. Hindi naman ako makanood dahil hinihintay ko ung order sa table namin, nag-video nalang si Nheo.

After kumain, hindi pa tapos yung parade. Hindi ko lang nakita yung float ng Chowking na Champion last year. Sayang!! Ang gaganda ng mga fLoat, panaLo!! Ang ganda rin ni Kim Chiu, grabe cRush ko na xa.. heheheh :D Ito ang isa sa mga fLoat na kasama sa parade...



at aun si Kim oh!!!


After manood ng parade, pumunta na kami sa "The Mansion". Sayang bawal pumasok hanggang sa loob. Medyo malakas na naman ang ambon pero tumuloy pa rin kami sa Wright Park.. dun daw yung 100 steps na hagdan.. hindi naman, binilang ko 128. Sobra!!! Then go naman sa Botanical Garden, at napagkatuwaan namin ni Nheo magpicture ng mga flowers.. heheheh


ganda nyan lalo na pag maraming-marami cla



After Botanical, binilisan na namin ang kilos dahil mag12 na.. kelangan namin mapuntahan yung isang napag-inquire-an namin.. naka-impake na kami, pick up nalang ng mga gamit. Nagcheck out kagad kami tapos pumunta na dun.. Thanks God meron vacant na room, pero kakaalis lang kaya papalinis pa ung room. Naghintay lang kami ng mga 20 mins at nakapag-ayos na kami sa room.. Di hamak naman na mas maayos ito kaysa yung sa Diamond Inn na yun. Halos pareho lang naman ng rate.

sa room namin


sa reception

Mas tahimik pa dito, makakapagrefresh ka talaga.. d tulad dun, malapit sa Session Road kaya laging maingay!! Nagpahinga lang kami sandali at nanood ng ASAP '08 then balik sa Session Road para pumunta sa SM at kumain.. naglakad lang kami. wala lang para mag-explore.. pero bago sa SM dumaan muna kami sa Baguio Cathedral. Grabe ganda ng cathedral!!



Heheheh... nakigulo muna kami sandali sa SM dahil may ABS-CBN Caravan then go na kami sa Camp John Hay. Wala lang pumunta lang kami sa Butterfly Sanctuary..



Then, pumunta kaming PMA kaso ang maLas nga naman, dumating kami ng 5:50, bwal na daw pumasok kasi hanggang 6pm lang kelangan may bisita sa loob. Ayaw pumayag kahit na sinabi namin magpicture lang kami, kaya nagpicture taking 
nalang kami sa labas... akaLa nitong mga bantay na 2.. hahahhaha :))


At kahit maggagabi na, nagdecide kami ni Nheo na pumunta sa Lourdes Grotto.. Ang layo ng PMA, so ang haba ng byahe... nakakaasar pa SOOOOBBBBBBBRAAAAAANNNNGGGG traffic! Dahil meron ng street party sa Session Road.

Pagdating namin sa Grotto, muntik pa kaming masaraduhan.. sa haba-haba ng biyahe, hindi kami makakapasok.. hehehe nagmakaawa kami sa bantay, sabi namin ang lau-lau ng pinanggalingan namin.. nakapasok kami!!! yehey!!! (clap) ang taas - taas ng Lourdes, grabe Hinika ako promise, parang di ko na kayang huminga, pero oks lang carry yan! Hindi namin napicture-an yung Lourdes dahil nalowbat si Nheo, nasa room naman yung cp ko, chinacharge.

At matapos ang mahabang paglalakbay, may lakas pa kaming pumunta sa Baguio City Market, naghanap ng mabibiling pasalubong. Pauwi na kami, nakasalubong ko yung tita kong taga-Tacloban. Matagal-tagal na rin kaming di nagkikita. Pinsan xa ng papa ko... Small World!!

Haaayyyyyy, so tiring day! Pero oks lang enjoy pa rin ako!!! Birthday ko na bukas.. Thanks God for another year...

This is our third day @ Baguio, hindi na gaano maLas. Konting kamalasan nalang... hahahahha :))