You can't Please EVERYBODY!!

Friday, September 19, 2008

Totoo nga ung kasabihang "You can't please everybody" noh?! Ako, sa ganitong bagay, oks lang.. hindi ko naman pinangarap na ma-please lahat ng tao, basta alam kong may mga kaibigan akong nagmamahal sa akin, may pamilya ako na lagi sa tabi ko, masaya na ako dun! Ano bang magagawa ko kung may hindi talaga nagkakagusto sa akin... naiintindihan ko sila! Really!! Kasi ganun din ako minsan, may mga taong kahit wala naman ginagawang masama sa akin, kinakaasaran ko, magsalita lang naiirita na ako! Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit.. basta ganun lang... Hanggang sa makilala ko yung taong iyon at tuluyan ko na maalis ang pagkaasar ko.. Madalas pa nga, sila yung mga taong nagiging malapit sa akin, at mga taong hindi ako iniiwan kahit anong mangyari.. Pero alam ko naman na hindi sa lahat ng pagkakataon, ganoon ang magiging katapusan ng aming kwento, maaaring hindi mawala yung galit o pagkaasar na yun, maari rin naman mawala nga pero hindi pa rin kami magiging malapit sa isa't - isa.

Basta ako, may maasar man sa akin, ang tanging iisipin ko lang, masaya ako sa ginagawa ko, masaya ako sa piLing ng mga taong nagmamahal sa akin, waLa akong naaagrabyadong tao, at wala akong ginagawang masama sa ibang tao. Bahala na sila kung anong gusto isipin sa akin... Kelangan ko ba silang pansinin? Kelangan bang ako ang mag-reach out sa kaniLa?! Kailangan ko bang patunayan ang sarili ko sa knila?.. hindi naman siguro.. In God's Time, mawawala naman din siguro ung pagkaasar nila sa akin.. maiintindihan na nila ako.. magugustuhan na din nila ako... makikilala na rin nila ang tunay na ako... at sana pagdating ng panahon na makilala nila ako, ang makilala nila sa akin ay yung good side of me, if ever man makilala nila ako ng buong - buo at malaman ang negative side ko, sana hindi nila ako husgahan ng ganun - ganun na lang, acceptance lang naman ang kelangan ko, tao lang naman ako, hindi perpekto, tulad nila nagkakamali din ako at meron din akong mga ugaling dapat pang baguhin o dapat pang paunlarin.. matanggap lang ako kung sino ako, ok na sa akin... masayang-masaya na ako!

Sabi nga ni Mother Teresa, "How can you love God if you don't love your neighbors". OO nga naman, pano mo mamahalin ang Diyos na hindi mo nakikita kung yung mga taong nakikita natin at nasa tabi lang natin hindi natin kayang mahalin.. Pero sa pananaw ko naman, umpisahan natin ang pag-ibig sa ating sarili.. Mahalin natin ang ating sarili, umpisahan natin ang pagtanggap sa ating sarili upang sa gayon ay matanggap din tayo ng ating kapwa.

0 comments: