Long Weekend @ Baguio - Day 4 (Going Home)

Wednesday, March 5, 2008

Super late post na ito,...

February 25, Last Day @ Baguio

It's my birthday... Gumising kami ni Nheo ng maaga para makapunta pa kami sa Strawberry Farm at makabili ng pasalubong. Kelangan namin magmadali dahil 11 am ang schedule ng alis namin...

Sa La Trinidad pa yung farm, sabi nung taxi driver, malayo daw talaga ung place na un!! Grabe sobrang layo nga!! kawindang!! Pero sulit naman pagdating dun... maganda talaga yung place.. Yun lang hindi kami nakapitas ng strawberries.. kasi lahat ng nadadaanan namin sobrang maliit pa at hindi nmin alam kng ano ang hinog at hindi... Sobrang init na rin, dahil sa aming last day.. tumirik ang araw.. walang uLan!! Bumili nalang kami ni nHeo ng strawberry dun sa nagtitinda sa gate papasok ng farm.. heheheh :D

Nakapamili na rn kami dun ng pasalubong.. hindi na namin kinailangang pumunta ng Baguio Market.. at tutal same price lang din naman ung mga paninda.. Almost 9:50 na nung makaalis kami ng farm.. Kelangan nasa apartelle na namin kami ng mga 10:30.. So I thought sakto lang ung alis namin.. At hanggang ngaun ba naman minamalas pa rin kami.. sobrang traffic pabalik sa La Trinidad!! Ano ba naman 2!!! Buti nalang napakiusapan ang driver ng taxi na humanap ng ibang daan.. kaso sabi nya mapapalayo talaga kami dun sa dadaanan pero at least walang traffic!! Sige nalang, makarating lang sa tamang oras!!

Ang layo nga ng inikutan pero at least nagkaroon kami ng Road Tour sa Tam-Auan.. Maganda daw dun sobra, kng hindi nga lang gahol sa oras pupunta dapat talaga kami ni Nheo dun!

Ang galing, matapos ang paikot-ikot naming tour, paglabas ng masukal na daan, Session Road na.. !!! Nagwithdraw pa si Nheo, kaya hinintay pa namin xa.. tapos pagdating sa apartelle, 10 mins to go before 11. Sobrang nagmdali kami kasi d pa kami tapos magayos ng gamit!!!

Hala bitbit nalang kami ng gamit kahit san-san na nakapasak ung mga gamit naming hindi naligpit... Kelangan namin mahabol ung 11 am. Sobrang madali na kami., Dumating kami ng Bus Station ng 11:05. Akala namin late na kami, kaya super taranta kami.. Pero ayun, as usual delayed na naman ang mga alis ng bus sa Victory Liner. Nakabalik pa nga si nHeo sa apartelle para maligo e!! Nakapagpicture taking pa!!



Pero kinakabahan ako habang wala xa.. baka kasi dumating ung bus namin.. pano na ko?? Kelangan ko pa naman makauwi today sa bahay para xmpre makasama ko rin family ko sa birthday ko.. hhuhuhuh :((

Dumating sa tamang oras si Nheo, d pa dumarating bus namin.. Kaso nung dumating na ung bus.. hindi pa xa bumabalik, bumili kasi xa ng lunch namin.. Haaaayyy life, nataranta na naman ako at kinabahan. iniwan ko dun sa matanda ung gamit namin.. Thanks God hindi nawala ung mga gamit!!

At ayun.. ang tagal sobra ng biyahe.. 2wing stop over, bumababa kami.. or nagpipicture sa bus, minsan kahit umaandar ung bus picture pa rin heheheh :D

walang magawa!!! kawawang shades napagtripan ko!!!

at nung nakasakay na kami ng taxi pauwi sa amin.. nagpicture taking muna ulit kami kahit madilim!! hahahahah :)) trip Lang!!


Last Day @ Baguio, medyo may kamalasan pa rin kami!!! hehehehh :D pero hindi sobrang maLas...

And this was our experience in Baguio... Til next Panagbenga Festival!!! See yah.

hazeLine fuRing now signing off...

0 comments: