Kung Ano Lang Maisip...

Friday, July 18, 2008

Random Thoughts :

Nakakaasar nawala ung coin purse ko.. feeling ko nalaglag ko sa tricycle sira kasi ung zipper nun, nakasabit sa key chain xa.. pagbaba ko ung key chain nalang ang nakasabit sa daliri ko.. feeling ko talaga nalaglag sa tricycle un, ang bigat kasi ng laptop, baka nung pagbaba sabay nalaglag na rin.. nung nakailang steps na ako..tsaka ko lang narealize na wala na pala ang wallet ko at wala na ang tricycle nakaalis na.. medyo malaki pa naman nakalagay dun.. dun ko kasi nilagay ung sukli nung kumain kami.. sana hindi nalang ako nagdalawang isip ilagay sa bulsa ko ung sukli at sana pagkabyad ko sa tricycle driver nilagay ko na kagad sa bag ko ung wallet ko.. kaso may sumakay na pamilya tapos may mga ksamang bata so siksikan kami sa loob ng tricycle kaya hindi ko na nailagay yung wallet ko dun.

Naisip ko rin, regalo ko nalang un sa nakapulot kahit na hindi nya alam na ako ang nakapulot. Pero bigla ko pa rin naiisip sayang pa rin un, pinagpaguran ko pa rin ung pera na un tapos mawawala nalang ng ganun nalang. Marami na akong pwedeng nabili sana dun....

At sayang talaga dahil sa mahal ng gastusin ngaun, hindi dapat mawala ang kahit isang piso. Grabe ba naman ang laki ng tinaas ng pamasahe... Nung isang araw nag-bus ako galing Ayala, 45 na ang pamasahe hanggang Sandigan e last week lang 38 palang. Tapos nag-FX ako kanina.. parang one month ago, 15 pesos lang ang fx hanggang hiway, tapos last week lang naging 20 pesos,, tapos ngaun 25 na.. grabe sa sobrang lapit nun...

Nkakabadtrip pa dun.. nag-FX nga ako kanina para makapasok ng mas maaga kasi baka malate na ako.. (mas mabilis kasi pag FX kaysa bus at jeep).. tapos hinto naman ng hinto.. Yung kasabay ko sa jeep ng galing sa amin.. sa hiway din pupunta, nagjeep lang.. tapos pagdating ko ng hiway nandun na xa.. shocks naunahan nya pa ako.. nagjeep lang xa.. tapos ako nagbyad ng mahal sa FX.. next time jeep nalang talaga ako.. pero ang sasakyan ko lang na jeep ay ung mga byaheng Welcome Rotonda at Quiapo, dahil mabilis magpuno ng pasahero dahil malayuan ang byahe kesa sa mga byaheng Delta Hiway lang.

Sa mahal din ng bilihin.. nakakahinayang na gumastos ng kng ano-ano lang.. ang taas na kasi ng bilihin sa lahat ng parte ng Pilipinas, kahit ano pa bilhin mo.. buti pa ang pamasahe sa MRT hindi pa rin nagtataas. Yun lang dahil hindi pa nga xa nagtataas, ang dami ng sumasakay ng MRT para makatipid..Oo nga naman kng gusto mo maging praktikal, magMRT ka nalang, mabilis na mura pa.. Yun nga lang maghihintay ka ng matagal para makasakay dahil sobrang daming tao. Pero pag bumibili ka ng stored value, makakatipid ka talaga dhil ang piso na natitira, makakasakay ka pa rin ng MRT. PanaLo db!! Kaya tara sakay na!! hahahahah =))

Actually dapat ang title nitong blog na ito ay tungkol sa mahal na mga gastusin at mahal na pamasahe, puro dun lang ata nadiscuss ko d2 e hehehe.. Nakakalula na talaga kasi ang mga bayaran ngaun..Parang kakasahod mo lang tapos sa isang iglap wala na ang sahod.. malayo pa bago dumating ang susunod na sahod mukhang kakapusin na sa budget.. Parang nakikiraan lang ang pera.. sabi siguro ng pera sa akin.. Excuse Me.. sana hindi ko nalang pinadaan..

Pag ako nakaipon ng pera.. bibilhin ko na ang mga pangarap kong bilhin.. tapos magiinsurance ako at mag-educational plan para sa kapatid ko.. san ba magandang magpa-educational plan? wag lang sa CAP, palpak na ata ngaun ang CAP e.. baka masayang lang ang hinuhulog ko sa knila. Tapos pag na-approve na ung credit card ko, may bibilhin na kagad ako...

Ayan na nga ba sinasabi ko e.. kaya hindi ako nakakaipon e.. wala pa nga ung pera,may plano na kagad bilhin... haaaayyyyy... pero atleast kahit papano may ipon naman ako.. medyo maliit nga lang. Pero parang mas magaling pa akong mag-ipon nung student palang ako kaysa ngaun nagtatrabaho na.. Nakakaasar dapat nga mas malaki pa ang ipon ko ngaun e.. pag ako talaga nakaipon ng mas malaki-laki, magpupundar na ako ng mga dapat ipundar.. hahahahah =))

tapos May plano din pala akong mag-housing loan sa Pag-ibig next year pag naka-2 years na ako magwork.. kasi ang minimum requirements dun dapat 2 years ka na naghuhulog sa pag-ibig bago ka makapagloan.. tapos next year ang goal ko is makapagloan na ako para makabili na ng Revo na pwedeng ipambyahe ng papa ko ;).. kaya bago ang house, plano ko talagang unahin ang pangkabuhayan ng pamilya ko.. para after ilang years pa mas madali ng magkabahay!!

Ayun lang.. parang nag-stop na ung utak ko sa pag-iisip ng kung ano-ano e... napaparanoid na ako sa kakaisip ng kng ano-ano.. may iniisip palang akong isa. biglang may papasok na bagong iisipin.. haaaayyyy,,,., ayan.. nablank na ang isipan ko.. post ko na 2.. yehey!! (clap)

0 comments: