I MISSED MY CELLPHONE SO MUCH... Lagi Na Lang Ganito!!!

Thursday, February 7, 2008

haayyy life nga naman!! lagi na lang ganito pag malapit na ko magbirthday! kamalas-malasan ko nga naman at ako ang madalas natitiyempuhan...

... papasok na ko sa office, naghihintay ako ng FX sa harap ng St. Peter's Parish. sabi ko kapag umabot ng 9:10 wala pang FX, sasakay na ko ng jeep. Meron pang 2 - 3 mins before 9:10 so hindi muna ako sumakay. Nagvibrate yung cellphone ko. Hindi ko alam kung sa Sun ba un or sa Globe... and since hindi ako naglalabas ng cellphone sa daanan, hindi ko nalang pinansin. Dumating ang eksaktong 9:10 kaya sumakay na ko ng jeep.. Pagkasakay ko, nakatingin yung lalaking malapit sa akin knina habang naghihintay ng masasakyan.. nakatingin xa sa akin na para bang may sobrang lungkot sa kanyang mga mukha, d ko nalang pinansin. Titignan ko na sana ang phone ko, nang makita kong bukas na ang bulsa ng bag ko. Wala na ang cellphone ko. Hindi ko pinakita sa tao na natataranta ako, pero deep inside sobrang kinakabahan na ako. Nagbayad muna ako sa driver dahil baka makalimutan ko pa sa taranta ng biglang nagmamadaling pumara ung katabi kong lalaki.

Huwaaattt??? Nawala yung cellphone ko ng wala akong kamalay-malay??? Lagi na lang ganun, nawawala yung cellphone ko ng hindi ko nalalaman kagaad. Nakaligtas nga ko sa holdup before, d naman ako nakakaligtas sa ganito.. Pero oks lang wag lang holdup mas scary un.. nakakatrauma!!! At ang nakakaasar pa pala dun, nawawala lagi ung cellphone ko kapag nagkataon lang na dun ko nilagay sa part na un ng bag ko! Minsan lang ako maglagay dun na-timing-an pa ko!

Parang gusto ko hilingin sa Diyos na sana may mangyaring masama dun sa nakakuha pero bigla ko nalang na naiisip, parang mas BAD pa ko dun sa magnanakaw dahil humihiling ako ng masama para sa kapwa! Mangyari na kung anong mangyayari sa kanya, bahala na si God sa knya! Tandaan babalik din sa kanya ang KARMA!

Ang tanong pla d2... cno kumuha ng phone ko? Yung lalaking nakatingin sa akin na parang nalulungkot? Or ung katabi ko sa jeep na biglang bumaba? Kung yung lalaki na kasabay kong naghihintay ng masasakyan, nakita nya kung sinong kumuha, bakit d man lang nya sinabi sa akin na nakuha na cellphone ko?? At ang kapal pa ng mukha nung kumuha, sa harap pa ng simbahan nagnakaw! Kahit hindi nalang sa akin xa nahiya kahit sa Diyos na lang sana!!

I MISSED MY CELLPHONE SO MUCH...

0 comments: