Insomnia...

Friday, September 26, 2008

Time Check - 3 : 21 AM

Yes dinapuan din ako ng antok sa wakas!!... Tsk tsk tsk...

Lagi nalang sapilitan ma2log dahil kung hindi ako ma22log ng maaga, mapupuyat ako, dahil maga ako kelangan umalis ng bahay.

Dapat on or before 8 nakaalis na ako...

Haaayyyy... stressful.. Sarap magbakasyon at mag-rest...

Santa Santita...

Monday, September 22, 2008

Sabi nga nila "Looks can be deceiving"...

Naniniwala ako sa kasabihan na yan. Maraming beses ko na naranasan magkamali sa panlabas na anyo ng isang tao. Madalas, meron akong nakikilalang mukhang anghel ang mukha, o di kaya naman kung minsan, hindi ganoong kagandahan pero nagugustuhan ng mga tao. Nadaya na rin ako sa ganyan, mukha naman kasing ok siya. Ika nga Santa Santita, nasa loob ang kulo. Tingin ko, naranasan ko na rin ang mga nararanasan ng mga taong hindi pa gaanong nakakakilala sa kanya. Yung tipong ok siyang kaibiganin. Hindi ko masasabing kilala ko na siya, pero sa mga ugaling naibukas na nya sa akin, masasabi kong mukhang hindi maganda. Ayokong husgahan ang buo nyang pagkatao, pero mukhang kahit anong gawing pagbibigay ng payo ng ibang tao, hindi pa rin natututo. May kasabihan ngang "One is enough, two is too much". Hindi na dapat ulitin pa ang nagawang pagkakamali. Dapat matuto na tayo sa ating pagkakamali.

Hindi natin masasabing mali ang sinasabi ng ibang tao tungkol sa atin. Opinyon nila iyon... may mga bagay din tayong hindi nakikita sa ating sarili dahil tayo'y nakakimi sa mga hindi magandang pag-uugali natin. Madalas mga magagandang pag-uugali lang ang ating nabibigyang pansin.

Marapat na putulin na natin ang mga sungay na tumutubo sa ating ulo habang maaga pa. Mahirap na maputol kapag ito'y tumagal na at natanim na sa ating uLo. Alisin natin ang ating pagiging Santa Santita upang tayo'y mas maging masaya kasama ng kaligayahang mararamdaman ng mga taong nasa paligid sa atin..

A Walk To Remember...

Grabe sobrang may hang over pa ako sa pagbabasa ng A Walk To Remember.. sobrang ganda!! Sana dati ko pa xa nabasa, bago ko pa napanood yung movie..

Nung binasa ko yung mga comment tungkol sa book, hindi ako gaano nawala dun sa isang comment na maiiyak talaga ang mga magbabasa nito. Sabi ko, hindi naman ako ganun ka-emotional sa mga kwento ng binabasa kong book.

At ayun nga, basa lang ako ng basa.. Kahit nakatayo sa MRT, kahit siksikan, walang makakapigil sa akin. Last Saturday, sobrang na-addict ako sa pagbabasa nito.. Sabi ko hanggang 12 AM lang ako, then nung 12 hindi pa tapos yung isang chapter, sabi ko tatapusin ko lang, nung natapos ko na, alanganin sa time, mga 12:17, sabi ko hanggang 1230 lang. Pagdating ng 12:30 hindi pa tapos yung isang chapter, so tuloy pa rin.. Hanggang umabot ako ng almost 3AM..

Nung malapit na ako matapos, napansin ko nlang na parang may luhang tumutulo sa aking mga mata. Shocks, totoo nga, maiiyak ka nga talaga!! Sabi ko nalang sa sarili ko, buti nalang nabasa ko yung mga part na yun, nasa bahay lang ako! Kesa yung nasa labas ako, kunyari sa MRT, baka magtinginan yung mga tao kng bakit ako umiiyak.. hhahaha =))

Grabe sobrang ganda tlaga. It was a love story of Landon Carter and Jamie Sullivan. Sobrang true love talaga yung naramdaman nilang dalawa.. Love that will conquer all.. AGAPE.

PARBOL

Last Thursday, September 18, nagparbol kaming tatlo nina Grace and JJ.. Matagal na kaming nagpaplanong magparbol, pero dahil sa laging busy, hindi na na2loy 2loy hanggang last week, sabi namin kelangan na ma2loy parbol namin..

So ayun nga, late na kami tatlo dumatng ng ofc, hmmm.. mga 1030 na rin, kaya mga 730 na kami nakaalis ng ofc.. Kelangan namin magmadali dahil baka masaraduhan kami ng Glorietta.. Dapat sa Greenbelt kami kakain, pero naisip namin na baka pag nagsara na ang Glorietta, hindi na kami makanood ng sine.. :(

Kaya ayun, sa Food Choices nalang kami kumain.. pero bago kami kumain, dumaan muna kami ng National Bookstore kasi bibili ako ng books ko.. After that, kainan na!!! Sa Dencio's kami kumain, kaso nakakadismaya.. hindi talaga masarap, tapos ung liempo ko, puro taba, AS IN!! Tinawag pa ako nung Manager, akala ko papipiliin nya ako ng hindi gaano mataba, dahil nagrereklamo ako.. tapos, ipapakita lang pala nya sa akin na puro taba talaga lahat!!! HALER!!! Ipagmalaki ba na puro taba.. YUCK!!

Pero ayun, after kumain, diretso na kami manood ng sine.. dahil wala naman gaanong pagpipilian na magandang movie, Hellboy 2 ang pinanood namin (kahit meron na akong downloaded video nun)... Nakakatakot din dun ang unti lang ng tao sa loob eh (weekdays kasi).. Tapos pinalabas ung trailer ng isang horror movie (Sorry I forgot the title).. sabi ko lang naman, what if ganyan pinapanood natin tapos ganito kadami lang tao sa loob.. Natakot ung dalawa.. kamote!!

Bumili rin si JJ ng Popcorn, sabi namin ni Grace, ayaw na namin kasi busog na kami, pero dahil masarap ung cheese, kami rin namang dalawa nakaubos, natira nalang kay JJ ung mga pop corn na unti lang ung cheese..hahahah =))

Nagustuhan naman namin yung movie, natuwa kami... hehehe =D Mababaw lang naman kaligayahan naming 3. Pinakanatuwa kami dun sa baby..

Hellboy : You're baby is so cute.
Baby : I'm not a baby, I'm a tumor..

hehehe.. wala lang., natuwa lang kami sa baby kasi mukhang baby nga naman at cute xa.. sayang lang hindi narinig ng maayos ni JJ..

Ayun, ginabi kami nakauwi. Dumating ako sa haws ng 1AM.. Kaya ayun, late kami ni Grace kinabukasan, tinanghali talaga ako magising.. Sabi ko pa naman papasok ako ng maaga kasi Friday. Si JJ lang nakapasok ng maaga.. heheheh =))

Sobrang enjoy nitong parbol na ito.. Til' next parbol ulit frendz.. Mag-plan ulit tayo kng ano susunod na magandang panoorin at kung saan..

At sana maaga na tayo makapasok para makaalis tayo ng mas maaga sa ofc, at mas mahabang parbol... Mas matagal, mas masaya! muaaahhh :*

Usapang LIBRO...

Friday, September 19, 2008

Kelan kaya maglalabas ng bagong book si Bob Ong? Last year pa yung huling release ng book, yung Mac Arthur eh...

Eh ang Twilight kaya, kelan ulit magiging available sa mga National Bookstore? (haha, ayoko bumili sa Powerbooks, sayang ang points sa Laking National Card =)) ) ilang araw na akong pabalik - balik.. :(

Sana mabili ko na ung The Secret.. wala pa rin kasing paperback nun eh..

Ang tagal maglabas ng paperback ng Harry Potter and the Deathly Hallows, excited na akong bumili nun.. pag nakita ko yun sa National, bibilhin ko kagad =D>

Meron bagong book si Lualhati Bautista at mukhang maganda xa, sa pagkakaalam ko tungkol ulit sa mga pangyayari noong Martial Law, mukhang mas hayagan ang mga inilabas nyang katotohanan dito sa Desaparasidos.

Next kong bibilhin yung Nights in Rodanthe ni Nicholas Sparks at Like the Flowing River & The Alchemist ni Paulo Coelho.



You can't Please EVERYBODY!!

Totoo nga ung kasabihang "You can't please everybody" noh?! Ako, sa ganitong bagay, oks lang.. hindi ko naman pinangarap na ma-please lahat ng tao, basta alam kong may mga kaibigan akong nagmamahal sa akin, may pamilya ako na lagi sa tabi ko, masaya na ako dun! Ano bang magagawa ko kung may hindi talaga nagkakagusto sa akin... naiintindihan ko sila! Really!! Kasi ganun din ako minsan, may mga taong kahit wala naman ginagawang masama sa akin, kinakaasaran ko, magsalita lang naiirita na ako! Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit.. basta ganun lang... Hanggang sa makilala ko yung taong iyon at tuluyan ko na maalis ang pagkaasar ko.. Madalas pa nga, sila yung mga taong nagiging malapit sa akin, at mga taong hindi ako iniiwan kahit anong mangyari.. Pero alam ko naman na hindi sa lahat ng pagkakataon, ganoon ang magiging katapusan ng aming kwento, maaaring hindi mawala yung galit o pagkaasar na yun, maari rin naman mawala nga pero hindi pa rin kami magiging malapit sa isa't - isa.

Basta ako, may maasar man sa akin, ang tanging iisipin ko lang, masaya ako sa ginagawa ko, masaya ako sa piLing ng mga taong nagmamahal sa akin, waLa akong naaagrabyadong tao, at wala akong ginagawang masama sa ibang tao. Bahala na sila kung anong gusto isipin sa akin... Kelangan ko ba silang pansinin? Kelangan bang ako ang mag-reach out sa kaniLa?! Kailangan ko bang patunayan ang sarili ko sa knila?.. hindi naman siguro.. In God's Time, mawawala naman din siguro ung pagkaasar nila sa akin.. maiintindihan na nila ako.. magugustuhan na din nila ako... makikilala na rin nila ang tunay na ako... at sana pagdating ng panahon na makilala nila ako, ang makilala nila sa akin ay yung good side of me, if ever man makilala nila ako ng buong - buo at malaman ang negative side ko, sana hindi nila ako husgahan ng ganun - ganun na lang, acceptance lang naman ang kelangan ko, tao lang naman ako, hindi perpekto, tulad nila nagkakamali din ako at meron din akong mga ugaling dapat pang baguhin o dapat pang paunlarin.. matanggap lang ako kung sino ako, ok na sa akin... masayang-masaya na ako!

Sabi nga ni Mother Teresa, "How can you love God if you don't love your neighbors". OO nga naman, pano mo mamahalin ang Diyos na hindi mo nakikita kung yung mga taong nakikita natin at nasa tabi lang natin hindi natin kayang mahalin.. Pero sa pananaw ko naman, umpisahan natin ang pag-ibig sa ating sarili.. Mahalin natin ang ating sarili, umpisahan natin ang pagtanggap sa ating sarili upang sa gayon ay matanggap din tayo ng ating kapwa.