Upcoming Shows... TeamKapamiLya!

Sunday, August 24, 2008

Posted by abscbnfan in TeamKapamilya Group : ( Sorry teamKapamiLya po akoh.. hihihhi ;) )

ABS - CBN Upcoming Shows :

I Love Betty La Fea
( September 2008 - to replace My Girl )
Starring : Bea Alonzo and John Lloyd Cruz


Pinoy Fear Factor
September 2008
Hosted by : Ryan Agoncillo



A Time For Us
October 2008
Starring : Jericho Rosales and Carmen Soo


Komiks Presents : Tiny Tony
October 2008 - to replace Varga
Starring : John Prats


Habang May Buhay
2008
Starring: Judy Ann Santos and Derek Ramsey


Eva Fonda
2008
Starring : Christine Reyes, Jason Abalos, Baron Geisler, Rustom Padilla and the original Eva Fonda - Ms. Alma Moreno


Banana Split
2008
Starrring : Kristine Hermosa, Bangs Garcia, Valerie Concepcion, Princess Ryan, etc.


Utoy
December 2008 ( unconfirmed )
Starring : Makisig Morales and Dolphy Quizon


Sineserye Presents: The Susan Roces Cinema Collection: Florinda
2008
Starring: Maricel Soriano


Nardong Putik
2009
Starring: Jake Cuenca and Shaina Magdayao (rumored)


Kung Fu Kids Book 2
2009


Super Inggo Book 2
2009
Starring : Makisig Morales


Gumising Ka, Maruja
2009
Starring : Ruffa Gutierrez ( rumored )


Who Wants To Be A Millionaire?
2009


The Singing Bee (Season 2)
2009
Hosted by : Cesar Montano


Prince Hours
2009


Lovers In Paris (Pinoy Version)
2009
Starring : John Lloyd Cruz & Sarah Geronimo ( rumored )


The Wedding
2009
Starring : Anne Curtis ( rumored )


Pieta
2009
Starring : Ryan Agoncillo


Maria Mercedes (Pinoy Version of Thalia's Mexicanovela Hit)
2009
Starring : Angel Locsin


Untitled Teleserye
2009
Starring : KC Concepcion


I'll be posting upcoming shows of GMA na rin.. hehehe

Biglang Nagdatingan..

Friday, August 22, 2008

Hahahah,.. ang saya-saya ko parang every week, may nakikita akong mga taong naging big part ng life ko, specifically ng aking College Life..

Last week, sobrang natuwa ako kasi nakita ko si Sir Noy.. wow!! Wala lang, hindi man nya alam pero parang tatay na talaga ung turing ko sa knya lalo na nung nag-aaral pa ako ng College.

Tapos ngaun, nakasabay ko si Master Randy sa MRT.. wow!! Ayun nakapagkwentuhan kami, pareho din kasi kami ng bababaan.. si sir naman, parang Kuya or pwedeng tatay na rin ang turing ko sa knya.. hindi nila alam un, hindi kasi ako expressive sa ganitong pagkakataon.. Medyo marami na naman din kaming napagkwentuhan eh.. pero sa chat nga lang.. hahah! Lagi sa akin kinakmuzta ni Sir ung mga ka-batch ko!! GaLing, pagka-graduate namin nag-resign na sila sa MIS, niloloko ko nga si sir, "Pina-graduate nyo Lang kami sir, tapos umalis na rin kayo sa school!".. hehehe.. la lang niloloko ko lang!.

Sinong special person naman kaya ang makikita ko next week.. I'm so excited... (clap)

I Miss You Bez.. :)

Last August 15, nag-meet kami ng bez ko.. medyo matagal na kasi kaming hindi nagkikita.. last kaming nag-bonding nung April 4 pa.. pareho kasi kami naging busy eh.. Pero since birthday nya nung August 5, ininsist ko na magbonding naman kami.. syang nga lang hindi nakasama si Kareen and Charity para buo na sana ang Genrizhel Belehori.

Ayun.. nagkita kami sa Trinoma.. manonood kami dapat dun ng The Mummy kaso 8 PM pa ung susunod na palabas, e kamuzta naman 6 PM palang nun.. aLangan maghintay kami ng 2 hours.. heheh :D Kaya napagdesisyunan namin na sa SM North nalang manuod.. kaso paglabas namin ng Trinoma.. kamuzta talaga.. ang lakas ng ulan sobra.. e ayaw na namin magsayang ng oras kakahintay tumila ang ulan.. ayun sumugod kami.. hahahah.. para kaming basang sisiw pagdating ng SM North, pano baha dun sa may daanan, badtrip!! Buti nalang malamig sa loob ng maLL, na2yo kagad ung mga pants namin..

Nakakatawa pa.. sobrang sikat ni ange, kahit san ata kami pumunta may taga-Claret na kilala xa.. hahaha.. "Hi Mam".. SIKAT!! Sabi ko nga sa knya ang dami nyang Fans.. hehehe

tapos ayun, nakabili na kami ng ticket pero pang-7 PM pa kaya nagkwentuhan muna kami ng unti sa labas ng movie house. :) Oks naman ung movie, pero parang sobrang natuwa lang kami dun kay Jonathan.. hahahah.. parang xa lang ang nagbi-break ng seriousness nung kwento..

After that, nag-window shopping kami.. ay bumili pala ako ng pillow case. Natuwa kami ni ange sa bear na pillow, kaya nagpapicture kami.. :D





















Habang naghahanap ng pillow case, nakita naman namin ang isa pang cute na pillow.. hindi lang kami nakapagpapicture.. nakakahiya kasi, nakita kami nung sales lady, oks lang sana kaso tinignan ba naman kami nung sumunod na dumaan, ay tinitigan pala nung babae nung nakita nyang magpipicture kami dun sa pillow.. sabi siguro paRang tanga 2ng mga 2.. hahaha.. pero wala kaming pake.. pero nakita namin nakatingin na rin ung mga cashier at sales man, kaya pinicture-an nalang namin ung pillow.. :(

Ayun after that, umuwi na kami.. hahaha :)) diet kami pareho hindi kami kumain...

Ang masayan nun.. magkikita ulit kami bukas dahil celebration ng birthday ni Kareen... Ang saya!! Sana laging ganito...

Betty La Fea

Sunday, August 17, 2008

Wow.. Sabi ko na nga ba eh.. si John Lloyd ang gaganap na Armando Solis sa Betty La Fea..

Maraming pinagpipilian before.. akala ko hindi na iti-team up kay Bea si John Lloyd, pero nagtaka ako bakit nandun pa rin sya sa mga pagpipilian.. Lately nagkaroon ako ng idea na baka si John Lloyd talaga yung gaganap, ginawa lang anonymous kasi meron pa silang movie ni Sarah Geronimo (*na sobrang natuwa ako.. hehehe!*)

Sobrang natuwa ako kay John Lloyd at Sarah sa movie na 2.. at dun ko rin na-realize na gusto ko na si John Lloyd na actor.. Sobrang magaling kasi xa umarte!! Ang saya sila ulit magka-partner ni Bea, maganda kasi ang chemistry nila on TV kahit hindi sila in real life..


Aabangan ko taLaga 2.. papasok na ako ng maaga at uuwi ng maaga para makanood nito.. hahahahh =))

They Have Jesus

Tuesday, August 5, 2008

Kanina bago ako umuwi, nagbalik loob ako sa National Bookstore heheheheh.. almost four months na rin akong hindi nakakadaan sa National at nakakabili ng book (it was before I bought my PSP) and lagi na rin kasi ako dati nagba-bus so no chance para makadaan sa Glorietta.

My purpose kaya ako nagpunta sa National ngaun is to buy a briefcase for my brother. Bago ako magbayad, napag-isipan kong tumingin tingin muna ng mga libro. Naisip ko kasi na baka may mga bagong magandang books nang inilabas within those 4 months. Habang naglalakad ako.. nakapukaw sa akin ng ung book na parang ang title ay may "Sopas", nasa Inspirational na section xa. Binasa ko ng konti ung nasa loob, pabuklat buklat then nakita ko ung isang book na ang cover is parang "Last Supper". Nung tinignan ko yung nasa paligid ni Jesus, nakita ko yung parang mga bata at hindi mga apostoles. Then nagbalik sa aking alaala ang aking experience sa PREX...

Yung last talk before our graduation, medyo parang na-bore na ako at dahil nagpatulong sa akin ang bestfriend ko na magsagot ng problem sa math, nawala ang focus ko sa speaker. Si Bro. Bobby ang speaker. Nahiya naman ako dahil nasa likod ko pala sa Nanay Chit kaya nagbalik ako ng concentration ko sa Talk. Pumukaw talaga ng atensyon ko dun ay yung pinapanood nya kami ng documentary entitled

"Sa Kambas ng Lipunan - On the Canvas of Society"

Sobrang tinamaan talaga ako sa bawat sinasabi ng narrator. Sapul na sapul.. Shet.. anong klaseng nilalang ako... :(

After manood, nagsharing kami. Dun ko din na-realize na.. this is my favorite talk, and Bro. Bobby is my favorite speaker sa entire seminar. Grabe the best talaga!!! Plinano ko na humingi ng copy kay Bro. Bobby but unfortunately lagi kong nakakalimutan. :(

And then ngaun araw na ito, nakita ko yung book entitled "They Have Jesus (The Stories of the Children of Hapag" by Joey Velasco. Shocks ito yung book version nung pinanood namin... Bago ko tiningnan ung price, hiniling ko na sana hindi ganun kamahal at I can afford to buy it.. And the BEST talaga si LORD!! Hindi xa ganun kamahal, actually mura lang xa compare sa mga binibili ko dating mga books.. at nagkataon may extra money ako today dahil kaka-withdraw ko lang!! YEHEY nabili ko yung book!!!

Ngaun-ngaun lang.. habang ginagawa ko 2ng blog na ito, bigla kong naisip parang gusto ko sana i-share sa makakabasa nito kaso hindi ko pa nakukuha ung copy, ng video... bigla rin pumasok sa isip ko ang YouTube. Nag-try lang akong mag-search,nakalimutan ko kasi yung title. natatandaan ko lang meron dun painter tapos may word na lipunan.. So, I typed "Obra ng Lipunan" and luckily (at dahiL aLam ni Lord na this is one of my way to share this video at para makapag-inspire ng tao) nakita ko kagad ung video and una sa list ng result ang Sa Kambas ng Lipunan - On the Canvas of Society.. Galing sobra!!!

Watch this video and be inspired. Sa Kambas ng Lipunan - On the Canvas of Society

I hope nakapaginspire ako sa inyo (kahit papano).. and somewhat you have realized yung kalagayan ng ating Lipunan at kng makakatulong tayo, let's help without hesitation!!

Kung ang isang bata nga pag tinanong kung ano ang kanyang gagawin pag nakita nya sa kalsada si Hesus na nagugutom, ang sinasagot ng bata ay yayain nyang kumain at pagpapahingahin!! Tayo ba hindi rin tayo tutulong sa mga batang nangangailangan ng tulong natin?! Paano kung si Hesus na pala yun!!

Tayo ang mag-decide kung anong tama at dapat gawin!!