Thanks RENO Taxi... Part 2

Wednesday, January 28, 2009

Ayun na nga, pagkasakay namin sa pangalawang taxi... kinuwento ko kay Kuya ung nangyari at pina-radyo ko na sa kanya... But unfortunately, kahit ilang beses ng pinage yung driver, hindi siya sumasagot... 


Nawawalan na ako ng pag-asa makita yung wallet ko.. Hindi naman ganun kalakihan ang pera dun... medyo malaki lang, mga 1K tapos lahat ng ATM ko at lahat - lahat ng cards ko including the receipts ng babayaran ko sa credit card :P At mga graduation pictures ng aking mga friends...

Inadvice sa amin ni Kuya na pumunta kagad kami sa kanilang opisina para ireport ang pangyayari.. at dahil malapit lang naman din pala halos sa bahay namin ang opisina at garahe ng Reno Taxi, pagkahatid sa bahay, nagpahatid kagad kami sa opisina...

(** Hindi related sa kwento ng naiwan kong wallet sa RENO Taxi **)
Accident 1 : Paakyat kami sa Violago Homes ng biglang ang kasalubong namin na taxi ay binunggo ang truck na nagdedeliver ng graba at buhangin na nakahinto lang naman... Naisip namin, kung iniliko yun ng tricycle driver, sa amin sasalpok dahil kami ang unang sasakyang kasalubong nya... so malamang na-aksidente rin kami kung ganun...

Accident 2 : Nagmamadali si Kuya Taxi Driver dahil ihing - ihi na daw siya, pagkalagpas sa underpass ng Sandigan, biglang may lumikong kotse, sobrang alanganin... Inistop ni Kuya Driver ng bonggang bongga ang kanyang taxi, buti hindi daw naka-neutral kundi sasalpok kami sa kotse... halos namatay nga ang makina ng taxi na sinasakyan namin.. At ang mukha ko ay sumubsob sa upuan ni Kuya Driver.. tsk tsk tsk.. Pangalawang aksidenteng muntik na naming ikamatay :(

At ayun na nga pagdating dun, pinakwento sa akin muli ang pangyayari... ayaw nila sa akin ibigay yung mga files ng driver para makilala ko nga.. eh hindi ko natandaan yung plate number.. naalala ko lang ang mukha nung driver.. buti nalang magaling ang photographic memory ko at natandaan ko ang physical features ni kuya... 

Itong itong kwento rin na ito ang isinulat ko sa incident report na pinagawa sa akin.. Buti nalang at dumating si Ms. Pretty Girl (don't know her real name), ang may-ari ng Reno Taxi Company...

Sabi nya... nung pagkasabi ko palang na binaba kami nung driver... "Ano ibinaba niya kayo?!! Bad yun, he's not supposed to do that!".. Pangalawang ikinagalit nya nung kinuwento kong parang sa Laguna ihahatid yung Amerikano... Bawal daw yun, dapat ang mga taxi nila within Metro Manila only... At ayun na nga, pinakita namin sa knya ang digicam ni Nheo sapagkat napasama si Kuya sa picture namin, hanggang tenga nga lang :P

Inaydentify ng Manager dun kung sinong driver yun, ipinalabas ni Ms. Pretty Girl ang mga files ng mga driver na nag-drive ng Nissan (nakita ko kasi na Nissan yung una naming nasakyan na taxi) at ipinakita sa akin yung sa tingin ng Manager na driver ng taxi... At booommm... SIYA NGA!!! 

Atleast na-identify na... pumunta daw ako tomorrow morning kasi bukas igagarahe yung taxi.. Eh hindi ako makapaghintay, nung gabi palang nag-followup na ako. Bandang 7PM, na-radyohan na nila si Kuya Driver... sa  wakas sumagot na sa radyo... Tumawag si Kuya Driver sa landline namin at pinapapick-up na ang wallet ko sa opisina nila.. At take note pinagmamadali pa ako kasi daw nagpagasolina lang xa...

Eh natatakot akong mag-isa kaya nagpasama ako kay Nheo, eh super tinatakot ako ni Nheo na bakit daw gabi pa namin pupuntahan ma2ya may mangyaring masama sa amin.. Ayun kahit malapit lang yung opisina, nag-taxi ulit kami, at nagpahintay kami sa taxi, xmpre company taxi pa rin, Sturdy :D

Pagdating sa opisina, ibinalik sa akin wallet ko, pinacheck pa kung may kulang.. Thanks God wala naman nawala... ibinalik daw yun nung Kano nung masipa sa baba... Humingi na rin ako ng paxenxa kay Kuya dahil sa ka-careless-an ko...

Actually, nakonsensya rin ako sa pagrereport ko at pagkakaroon nya ng incident report, kasi baka mawalan siya ng trabaho dahil sa akin... Ayoko rin naman yun, baka mamaya may binubuhay din yun na pamilya noh!

At ayun, HAPPY ENDING!! Nabalik ang pinakamamahal kong wallet, buong buo walang labis walang kulang... YEHEY!!  THANKS GOD AND THANKS RENO TAXI... Salamat sa pagiging Honest sa mga pasahero... at patuloy ko pa rin akong sasakay sa mga taxi nyo... Reno at Reno pa rin ang hahanapin ko para "ALWAYS SAFE!!"

P.S.

At ito lang ang isa kong napansing nawala pero hindi ko na sinabi sa kanila... Nawawala ang ID ko sa office... hahahhaha hindi ko na sinabi dahil alam kong katangahan lang yun.. Naalala ko, naiwan ko pala yung ID ko sa airport sa Cebu... whahahhaha... As if balikan ko pa yun noh... :P

0 comments: