Just want to take this opportunity to say "Thank you" to Reno Taxi.. wahahaha may ganun...
Pero serious mode na... sobrang pasasalamat ko sa company nila kasi naibalik ang wallet kong naiwan sa Taxi...
Ito ang nangyari kung bakit naiwan ang wallet ko :
Galing kami sa airport, galing Cebu sa Centennial Terminal. Naghintay kami ng taxi sa lbas ng airport but then bawal pala magsakay dun ang mga taxi, kaya lahat sila nilalagpasan lang kami. Sumakay kami sa jeep going to Baclaran, bababa nalang kami somewhere kung saan pwede na sumakay ng taxi... Ako ang nagbayad sa jeep kaya inilabas ko ang aking wallet.. Hanggang bumaba kami hawak ko ang wallet..
Gusto talaga namin ni Nheo na sa mga Company Taxi sasakay, so nung dumating ang MGE, pinasakay na namin sina Papa, Mama, Lola at Gigi. Naiwan kaming 3 nina Nheo at Yanna. Nang makita namin ang Reno Taxi, sumakay na kami... Nagpapadagdag pa nga si Kuya sa metro kasi sobrang layo daw sa Bagong Silangan. Sabi ko "Sige Kuya ako nalang bahala"...
Mga 50+ palang ang metro, may tumawag kay Kuya Driver... at si Kuya english to the max... todo - todo.. nosebleed ito... wahahahha... Pero ayun nga, narinig namin na may susunduin siyang Amerikano at pupunta daw sila sa Laguna... Naisip ko na kagad kung pano gagawin nya eh ang layo layo pa namin... Pero xmpre hindi ko siya pinansin dahil busy kaming mag-picture taking... hehehhe :D
At ayun nga, sa Shell-Tramo, 67.50 palang ang metro namin, sinabihan kami ni Kuya na ibababa nya na kami dahil daw may susunduin siyang Amerikano at kelangan niyang siputin yun in 30 minutes dahil may utang pa daw sa knya ang Kanong iyon. So ayun, wala na kaming naggawa kundi bumaba... Kinuha namin ang aming mga gamit sa likod ng taxi, saktong pagkasaradong - pagkasarado... Booooommm... alis kagad si Kuya Driver, sobrang bilis ng takbo.. at dun ko narealize na hindi ko hawak ang wallet ko...
Sorry, may fault din ako, mahilig kasi ako maglagay ng wallet sa tagiliran ko pag sumasakay ng taxi, baka nalaglag un, hindi namin napansin ng kapatid ko.. It's my first time din bumaba ng taxi ng hindi tinitignan ung loob kung may naiwan ba...
Nilapitan na ako ng maraming tricycle driver na nag-ooffer habulin ung taxi, may lumapit na rin na guard.. Lahat sila nagagalit na sa katangahan ko, natataranta... Pero ako, una ko kagad naisip... WAG MATARANTA... at ang naisip kong solusyon... maghintay ulit ng Reno Taxi para mapa-radyohan yung taxi na napag-iwanan ko ng wallet..
At ayun na nga.. dumating ang isa pang Reno taxi, 3-5 minutes ang nakalipas...
(To be continued...)
0 comments:
Post a Comment