Nang ako'y muling sumayaw...

Wednesday, January 28, 2009

Grabe it's been 1 year and 11 months since huling sumayaw ako... Shocks sobrang tagal na rin pala..


Huling sayaw ko nung FEU Cheering Competition, that was my last year in FEU-East Asia College, and thanks God we won!! Champion kami, 2 years in a row...

And ito na nga, dahil na-miss namin ni Nheo sumayaw at mga practices, nagpaturo kami kay Ron ng "No Air" na sayaw... hindi pa naman ako slow pumick-up pero parang iba na... basta parang iba... parang hirap na ako gumalaw sa tamang galaw... basta mga ganun... parang kinalawang ng basta - basta...

Yung sayaw na ito is a surprise dance, hindi talaga namin ipinaalam na sasayaw kami because :  1.) Hindi namin sigurado kung mabubuo namin at mae-execute namin ng maayos ang sayaw. 2.) Hindi ata kasi nila alam sa simbahan na buong buhay ata namin ni Nheo, sumasayaw kami..

Simula ata Kinder hanggang 4th Year College sumasayaw ako (**off topic**)... hindi ako magaling sumayaw kahit itanong mo pa sa kanila... siguro marunong, masipag mag-practice at determinado kaya laging napapasama sa mga competitions... 

Nag-start naman ako sa Cheering nung First Year High School ako until 4th Year College, walang year ang hindi ako sumayaw... Aside from the Cheering competition, sideline rin namin ni Nheo ang sumayaw sa mga program at play sa high school. And tingin ko nasa Interpretative Dance ang forte ko, hindi ko gaano trip ang Hip-hop...:D

Balik sa topic, nang muli nga akong sumayaw... Na-miss ko yung pagpapractice namin, pag-peperform sa harap ng maraming tao, yung tipong kabadong kabado pa... yung mga stretching before practice.. 

Pero ang nangyari, sa aming performance, nakalimutan ko yung mga 2-4 steps.. at take note ito ang pinaka-favorite kong steps kasi basta... Pero so far ok naman, hindi lang ako kuntento talaga sa sayaw namin, gusto ko ng "REPEAT PERFORMANCE".. 

Ganun talaga ako, pag kinakabahan, nakakalimutan ko steps buti nalang during performance, hindi ko nakakalimutan lahat although may mga ilang counts na namimiss...

Wala rin maayos na video yung sayaw namin kasi yung inutusan kong mag-video, nakalimutan nya, naalala nya nalang daw nung kalagitnaan, at pagbukas niya ng camera... ayun patapos na daw pala ang sayaw.. kaya hindi na niya na-video tsk tsk tsk

Yung isa naman nakita namin video, nakaupo siya ata sa sahig at nanonood sa amin, siguro na-enganyo sa panood sa amin, hindi na niya napansin na ang tagal ng nasa sahig ng focus ng video heheheh :D

In-short walang maayos na video na nakuha kami... :D

Infairness.. Nang ako'y muling sumayaw... Todo emote ako sa dance, parang contemporary hip-hop kasi ung sayaw... actually ginawan pa nga nila ng kwento yung sayaw namin eh... hehehhe :D

Pero atleast naging masaya ako na nakasayaw ako ulit... pero pag napapakinggan ko yung music, lagi ko talagang naiisip "Gusto ko sumayaw ulit!! Repeat performance please?!" hehehhe :D 

Yun lamang po... :)

Thanks RENO Taxi... Part 2

Ayun na nga, pagkasakay namin sa pangalawang taxi... kinuwento ko kay Kuya ung nangyari at pina-radyo ko na sa kanya... But unfortunately, kahit ilang beses ng pinage yung driver, hindi siya sumasagot... 


Nawawalan na ako ng pag-asa makita yung wallet ko.. Hindi naman ganun kalakihan ang pera dun... medyo malaki lang, mga 1K tapos lahat ng ATM ko at lahat - lahat ng cards ko including the receipts ng babayaran ko sa credit card :P At mga graduation pictures ng aking mga friends...

Inadvice sa amin ni Kuya na pumunta kagad kami sa kanilang opisina para ireport ang pangyayari.. at dahil malapit lang naman din pala halos sa bahay namin ang opisina at garahe ng Reno Taxi, pagkahatid sa bahay, nagpahatid kagad kami sa opisina...

(** Hindi related sa kwento ng naiwan kong wallet sa RENO Taxi **)
Accident 1 : Paakyat kami sa Violago Homes ng biglang ang kasalubong namin na taxi ay binunggo ang truck na nagdedeliver ng graba at buhangin na nakahinto lang naman... Naisip namin, kung iniliko yun ng tricycle driver, sa amin sasalpok dahil kami ang unang sasakyang kasalubong nya... so malamang na-aksidente rin kami kung ganun...

Accident 2 : Nagmamadali si Kuya Taxi Driver dahil ihing - ihi na daw siya, pagkalagpas sa underpass ng Sandigan, biglang may lumikong kotse, sobrang alanganin... Inistop ni Kuya Driver ng bonggang bongga ang kanyang taxi, buti hindi daw naka-neutral kundi sasalpok kami sa kotse... halos namatay nga ang makina ng taxi na sinasakyan namin.. At ang mukha ko ay sumubsob sa upuan ni Kuya Driver.. tsk tsk tsk.. Pangalawang aksidenteng muntik na naming ikamatay :(

At ayun na nga pagdating dun, pinakwento sa akin muli ang pangyayari... ayaw nila sa akin ibigay yung mga files ng driver para makilala ko nga.. eh hindi ko natandaan yung plate number.. naalala ko lang ang mukha nung driver.. buti nalang magaling ang photographic memory ko at natandaan ko ang physical features ni kuya... 

Itong itong kwento rin na ito ang isinulat ko sa incident report na pinagawa sa akin.. Buti nalang at dumating si Ms. Pretty Girl (don't know her real name), ang may-ari ng Reno Taxi Company...

Sabi nya... nung pagkasabi ko palang na binaba kami nung driver... "Ano ibinaba niya kayo?!! Bad yun, he's not supposed to do that!".. Pangalawang ikinagalit nya nung kinuwento kong parang sa Laguna ihahatid yung Amerikano... Bawal daw yun, dapat ang mga taxi nila within Metro Manila only... At ayun na nga, pinakita namin sa knya ang digicam ni Nheo sapagkat napasama si Kuya sa picture namin, hanggang tenga nga lang :P

Inaydentify ng Manager dun kung sinong driver yun, ipinalabas ni Ms. Pretty Girl ang mga files ng mga driver na nag-drive ng Nissan (nakita ko kasi na Nissan yung una naming nasakyan na taxi) at ipinakita sa akin yung sa tingin ng Manager na driver ng taxi... At booommm... SIYA NGA!!! 

Atleast na-identify na... pumunta daw ako tomorrow morning kasi bukas igagarahe yung taxi.. Eh hindi ako makapaghintay, nung gabi palang nag-followup na ako. Bandang 7PM, na-radyohan na nila si Kuya Driver... sa  wakas sumagot na sa radyo... Tumawag si Kuya Driver sa landline namin at pinapapick-up na ang wallet ko sa opisina nila.. At take note pinagmamadali pa ako kasi daw nagpagasolina lang xa...

Eh natatakot akong mag-isa kaya nagpasama ako kay Nheo, eh super tinatakot ako ni Nheo na bakit daw gabi pa namin pupuntahan ma2ya may mangyaring masama sa amin.. Ayun kahit malapit lang yung opisina, nag-taxi ulit kami, at nagpahintay kami sa taxi, xmpre company taxi pa rin, Sturdy :D

Pagdating sa opisina, ibinalik sa akin wallet ko, pinacheck pa kung may kulang.. Thanks God wala naman nawala... ibinalik daw yun nung Kano nung masipa sa baba... Humingi na rin ako ng paxenxa kay Kuya dahil sa ka-careless-an ko...

Actually, nakonsensya rin ako sa pagrereport ko at pagkakaroon nya ng incident report, kasi baka mawalan siya ng trabaho dahil sa akin... Ayoko rin naman yun, baka mamaya may binubuhay din yun na pamilya noh!

At ayun, HAPPY ENDING!! Nabalik ang pinakamamahal kong wallet, buong buo walang labis walang kulang... YEHEY!!  THANKS GOD AND THANKS RENO TAXI... Salamat sa pagiging Honest sa mga pasahero... at patuloy ko pa rin akong sasakay sa mga taxi nyo... Reno at Reno pa rin ang hahanapin ko para "ALWAYS SAFE!!"

P.S.

At ito lang ang isa kong napansing nawala pero hindi ko na sinabi sa kanila... Nawawala ang ID ko sa office... hahahhaha hindi ko na sinabi dahil alam kong katangahan lang yun.. Naalala ko, naiwan ko pala yung ID ko sa airport sa Cebu... whahahhaha... As if balikan ko pa yun noh... :P

Thanks RENO Taxi... Part 1

Just want to take this opportunity to say "Thank you" to Reno Taxi.. wahahaha may ganun...


Pero serious mode na... sobrang pasasalamat ko sa company nila kasi naibalik ang wallet kong naiwan sa Taxi...

Ito ang nangyari kung bakit naiwan ang wallet ko : 

Galing kami sa airport, galing Cebu sa Centennial Terminal. Naghintay kami ng taxi sa lbas ng airport but then bawal pala magsakay dun ang mga taxi, kaya lahat sila nilalagpasan lang kami. Sumakay kami sa jeep going to Baclaran, bababa nalang kami somewhere kung saan pwede na sumakay ng taxi... Ako ang nagbayad sa jeep kaya inilabas ko ang aking wallet.. Hanggang bumaba kami hawak ko ang wallet..

Gusto talaga namin ni Nheo na sa mga Company Taxi sasakay, so nung dumating ang MGE, pinasakay na namin sina Papa, Mama, Lola at Gigi. Naiwan kaming 3 nina Nheo at Yanna. Nang makita namin ang Reno Taxi, sumakay na kami... Nagpapadagdag pa nga si Kuya sa metro kasi sobrang layo daw sa Bagong Silangan. Sabi ko "Sige Kuya ako nalang bahala"...

Mga 50+ palang ang metro, may tumawag kay Kuya Driver... at si Kuya english to the max... todo - todo.. nosebleed ito... wahahahha... Pero ayun nga, narinig namin na may susunduin siyang Amerikano at pupunta daw sila sa Laguna... Naisip ko na kagad kung pano gagawin nya eh ang layo layo pa namin... Pero xmpre hindi ko siya pinansin dahil busy kaming mag-picture taking... hehehhe :D

At ayun nga, sa Shell-Tramo, 67.50 palang ang metro namin, sinabihan kami ni Kuya na ibababa nya na kami dahil daw may susunduin siyang Amerikano at kelangan niyang siputin yun in 30 minutes dahil may utang pa daw sa knya ang Kanong iyon. So ayun, wala na kaming naggawa kundi bumaba... Kinuha namin ang aming mga gamit sa likod ng taxi, saktong pagkasaradong - pagkasarado... Booooommm... alis kagad si Kuya Driver, sobrang bilis ng takbo.. at dun ko narealize na hindi ko hawak ang wallet ko...

Sorry, may fault din ako, mahilig kasi ako maglagay ng wallet sa tagiliran ko pag sumasakay ng taxi, baka nalaglag un, hindi namin napansin ng kapatid ko.. It's my first time din bumaba ng taxi ng hindi tinitignan ung loob kung may naiwan ba... 

Nilapitan na ako ng maraming tricycle driver na nag-ooffer habulin ung taxi, may lumapit na rin na guard.. Lahat sila nagagalit na sa katangahan ko, natataranta... Pero ako, una ko kagad naisip... WAG MATARANTA... at ang naisip kong solusyon... maghintay ulit ng Reno Taxi para mapa-radyohan yung taxi na napag-iwanan ko ng wallet..

At ayun na nga.. dumating ang isa pang Reno taxi, 3-5 minutes ang nakalipas...

(To be continued...)

IN NEED... SUPER!!!

Thursday, January 15, 2009

Guyz, Kung meron kayong kakilala or kung kayo na mismo nagbebenta ng Dog preferably

SHIH TZU
POMERANIAN ( Pure Breed, ayoko ng may haLong spitz )
MALTESE



Wag naman yung sobrang mahal ha!!!
Yung reasonable price lang for a dog...
Please text me or message me here sa Multiply...


Thanks so much... PLease please?!!


CUTIE DOGS



Lakwatsahan Blues...

Wednesday, January 14, 2009

Wooohooohh... Dapat mas maraming tour this year!!!

Last Year, we started the year going to Tagaytay Crater ( January 06, 2008 ) with Nheo's Officemates...



February 23 - February 25 @ Baguio ( Panagbengga Festival 2008 ), as a birthday treat ni Nheo sa akin..



June, 2008 @ Island Cove, Kawit Cavite with Dagami Family



Last Trip for the Year 2008

November 2 - 6 @ BohoL with Nheo, Marlon and Meann
Saya dito sobra, sarap balik - balikan...


THIS YEAR, 2009 :

First Lakwatsa for the Year :

January 9 - 12 @ Cebu with mah Family ( Sinulog Festival 2009 )


Tentative : March 13 - 16 @ Baguio, birthday treat kay papa

Sure Na!!!! May 22 - 25 @ PaLawan!!! wohoooo... with Nheo, Grace, JJ, Julius and his girlfriend... so excited!!!!

Tentative again : October 30 - November 2 @ Hongkong with Nheo, Grace? and others na hindi pa sure....


Yehey... sana mas marami pa para mas masaya...