Late post na ito para ikwento ang mga nagawa ko nung Holy Week...
March 20, Thursday
Hindi ako nakasama kina mama at papa pumunta sa Lourdes Grotto sa San Jose Del Monte Bulacan. Prang naging panata na namin yung pagpunta namin dun yearly tuwing Holy Week. Simula pagkabata ko kasama na ako dun, until ngaun malaki na ko, pumupunta pa rin ako!!
Gusto ko rin sana sumama magbisita Iglesia, kaso sabi ng mama ko baka kinabukasan pa daw pumunta dun.. tapos umalis ung tita ko.. hindi ko alam kng san pumunta, nung tinanong ko lola ko, nagbisita iglesia daw xa... gRRrrrr... sabi ni mama bukas pa, hindi 2loy ako nakasama!!
Pumunta rin si Nheo sa simbahan para mag-confess, niyaya nya ako, pero hindi ko alam kung bakit parang sobrang may pumipigil sa akin na gawin yun,, bigla akong nawalan ng lakas ng loob,,, siguro hindi pa talaga ako handa!! Next year, promise ko talaga sa sarili ko, magcoconfess na talaga ako, at hindi talaga pedeng mabreak ung promise ko na yun... Nahihiya na rin talaga ako kay God, sobrang dami ko ng pagkakasala sa kanya!! Itong blog na 'to ang isang magpapaalala sa akin sa promise ko.. at lagi ko din yun pakatatandaan!!
Aside from this, gumawa rin ako ng Diploma sa SiboL, natapos ko rin naman kagad, ginamit ko nalang yung design ko last year, ayoko ng umulit pa, sobrang parang waste of time.. heheheh.. katamaran lang actually!!
March 21, Friday
Hindi pwedeng hindi ako pumunta sa Grotto, e ayoko magisa kaya niyaya ko ang aking dearest sister, at buti sumama naman dahil libre ko naman lahat!! sows... maaga kami umalis para maga rin makabalik. Grabe sobrang daming tao, may part nga na parang scenario sa Divisoria pag magpapasko na.. sobrang dikit dikit na ang tao, pano pinapasok pa ung mga sasakyan e dapat wala ng oapasok kasi maraming tao puro naglalakad papuntang hi-way,. Ayun pagdating dun, nag-station of the cross kami. After that, bumili lang ng pasalubong tapos umuwi na kami!!
Sobrang pagod ako pagbalik ko ng bahay, after kumain ng lunch, 2log!! hahaha.. dapat punta akong simbahan or sasama sa daan ng krus, kaso sobrang pagod talaga,, naalala ko nagising ako ng 3pm dahil nagtext si nheo na pabalik na raw sa simbahan kaso ewan ko ba bumalik ako sa pagkakatulog. Pagkagising ko, mag5pm na, pero pumunta pa rin akong simbahan at sakto naman na paalis na yung magpuprusisyon kaya sumama kami ni Nheo!!
March 22, Saturday
Wala akong ginagawa kaya ginawa ko nalang yung pinapagawa ni tita na brochure para sa school namin, ayun nagconsume talaga xa ng most of my time, hehehe :D tapos inumpisahan ko na gawin din yung invitation (pero parang yearbook na rin) for the gRaduation ng kinder.. haayyy ang tagal gawin!! Pero nung gabi, nagsimba kami ni Nheo at mga kapatid ko. Meron serve si Nheo as Lector, ako parishioner lang, hehhe :D Tulad ng gawain namin dati nung Sakristan pa ako, may nagsayaw ng Pandango sa Ilaw at ng Papuri sa Dyos... wow naalala ko sobra ung dati sumasayaw kami lagi pag may event sa simbahan,.. ang saya!! After that, nakigulo ako sa choir na nagpipicture taking! Sabi nila Kuya Mike, kelan daw ako mag-choir.. Ang tagal ko na kasing sinasabi na aattend ko pag tintanong nila ako pero lagi naman akong nhihiya. (**wow mahiyain, hahahahha**) ahhahah.. sabi ko aattend na talaga ako promise!! Sana d na talaga ako mahiya!! hehehe :D Paguwi namin, nanoood lang kami ng movie ni Nheo, hahah AnaK, nakakaiyak kaya un!! Pero parang naiyak nga din si Nheo,,, hihiihihi
March 23, Sunday
Actually kaya ko inuwi ung laptop para magwork talaga para matapos na yung ginagawa ko sa office, pero for the past few days puro not related to work ung ginagawa ko... kaya promise ko gagawa na ko ngaun. Pero ang inuna ko pa rin ay ung pagpapatuloy na pagawa ng invitation,. Nung gabi, finally gumawa na rin ako sa wakas!! Pero hindi ganun kadami nagawa ko, pero oks lang atleast nabawasan db?!!
Haaaayyyy,,, at ito ang experience ko this holy week (vacation).. ang sarap magbakasyon.. BIIIITTTTIIIINNNNN!!! SOBRA!!