Letting Go..
Monday, August 27, 2012
"It hurts when people just let you go without you knowing why.."
Minsan iniisip ko ano bang ginagawa ko bakit ako iniiwan ng tao? Magkakaroon ako ng grupo o bagong kaibigan then suddenly I'm all alone again.. Magkakaroon ako ng close friend then suddenly parang nawala na lang ng parang bula yung closeness. Yung tipong feeling mo eto na ung taong kahit anong mangyari hindi ka iiwan, pero mali pa rin pala, darating nalang yung time na parang wala na lahat.. parang di kayo naging close before..
Seems like I don't belong to this world. I'm finding hard to trust people again, parang halos lahat naman ng tao iiwan ako in time.. Mabibilang lang siguro sa daliri ko yung taong di ako iiwan kahit anong mangyari.. Iilan lang sila pero I know they're true and I'm still blessed to have them..
Maraming long lost friend, but at least kapag nag-reunite kami, I can still feel na they've missed me and they want to talk and spend time with me. Masaya sa pakiramdam yung ang tagal nyong di nakapag-usap tapos kapag nagkaroon kayo both ng time to talk, alam mong masaya kayong nag-uusap kayo at nag-update ng mga nangyari sa buhay nyo. Once in a while, masarap din magkamustahan.. Yung mami-miss nyo ang isa't isa... Yung wala kayong pakealam sa paligid nyo basta makapagkwentuhan lang kayo... Yung di nyo namamalayang ilang oras na kayo nagkukwentuhan o ilang oras na kayo magkasama..
Maswerte yung mga taong maraming kaibigan.. Yung unang beses ka pa lang makita ng tao, gusto ka nang maging kaibigan.. Pero sa dinami-dami ng tao na yun, ilan nga ba ang totoo? Di ko naman hinihiling magkaron ng maraming kaibigan para maging masaya.. natutunan ko na sa buhay na 'to choice mo maging malungkot at choice mo rin kung kelan ka magiging masaya.. Ikaw at ikaw lang ang makakaalam kung kelan ka magiging masaya, so kung ikukulong mo ang sarili mo sa isang bagay na makakapagpalungkot sayo, malamang ganun nga ang maramdaman mo at ang mangyari sayo.. Di naman lahat ng tao kayang maging masaya ng mag-isa, mas masaya pa rin kung merong pamilya at kaibigan.. Pero ako, pamilya at kahit iilan lang na kaibigan, masayang-masaya na ako!
Minsan ang mahirap pa dun, kung kelan mo kelangan ng kaibigan at makakausap dun pa sila nawawala or minsan naman nagiging busy.. Di ko naman sila masisisi, meron din silang problemang kinakaharap at inaasikaso rin nila ang sarili nilang buhay... I just realized God just wants me to talk to Him first before any one else. Yung tipong wala ka na makakausap kasi gusto ni God makita mo muna Siya, mapansin mo Siya... Mas the best pa rin kausap si Lord, alam mong kahit anong sabihin mo, hindi ka Nya ija-judge sa kung ano ka.. He's the only one who knows you well.. He knows what's best for me...
Marami na nangyari sa buhay ko, mag-isa man ako, I will still hold-on to the life that God gave me. Alam ko gusto ni Lord na maging malakas ako.. Siguro not now, but I still believe everything will get better in time..
Posted by nHeyzHeL at 8:51 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment