Last Christmas, meron akong wishlist...
Some are granted before Christmas.. and some are granted after Christmas... basta this year din
Out of 15 simple wishes, 5 are granted before Christmas and 5 are granted after Christmas... Pero ang wish ko din, sana atleast 2 wishes ma-grant... I have received more than I asked for...
2. Happy Feet Sandals - ever since it was my dream to buy this one... waaaattt??? pero meron na akong isa nito. i want more!!!! - GRANTED BY MYSELF
->> I have two new Happy Feet Sandals this year :) More to come...
3. PSP - waaaaaaaaa..... ilang months ko ng gustong bilhin ito, until now hindi ko pa rin nabibili.. Pagdating ng 14th at 15th month pay.. d ko na papalagpasin ang pagkakataon!! - GRANTED BY MYSELF
->> Bought last April... Dream come true (*wink*) after ilang months na pagkapurnada!!
5. Teddy Bear - my collection... wow... ang cute talaga nila... - GRANTED BY NHEO
->> Gift sa akin ni Nheo last birthday ko, every birthday ko, binibigyan nya ako ng Teddy Bear, at palaki ng palaki every year... As of now, I have 6 teddy bears given by Nheo
14. Pillow - ung may magandang design.. un lang ang requirement - GRANTED BY MYSELF
->> Binili ko para masarap ma2log heheheh =))
15. Pants - bili ako ng bili ng damit, nakakalimutan ko laging bumili ng pants.. - GRANTED BY MYSELF
->> Pinagalitan kasi ako ng mama ko sabi nya sa akin nung nasa mall kami... "Bumili ka nga ng pants mo, bili ka ng bili ng damit hindi ka bumibili ng pantalon mo..." hahahah :))
MORE WISH TO COME THIS YEAR (*wink*)
*** Yung mga non-material wishes, secret nalang yun... and I have received lots of blessings this year... and majority of my wishes are granted ;)
wish gRanted...
Posted by nHeyzHeL at 4:04 AM 0 comments
Usapang PISO...
Nag-umpisa ang lahat ng papasok ako ng office.. sobrang busy ako sa pagtetext dahil katext ko si nagtext si ireneo.. at nagrereply ako sa best friend ko...
Medyo mabagal ako maglakad (kasi nga nagtetext) kahit na alam ko na male-late na ako... Malayo-layo na rin ang nalakad ko... nasa terminal na ako, hanggang naalala kong... SHOCKS wala pala akong pera... hindi ako nakapagwithdraw... hindi rin ako nakahiram ng pera sa mama ko... pinang-Midnight Snack kasi ung cash ko kagabi... sowwwss!!! :(
Pabalik na akong naglalakad ng maalala kong meron pa pala akong maraming barya... inilabas ko ito, bibilangin ko sana kung kasya na sa pamasahe papuntang office, tutal makakawithdraw na ako ng pera dun sa office para panggastos. Pagkalabas ko palang ng barya...
GRRRRR.... ITO NA PO SIYA... SI MR.. ATE, ATE, ATE, ATE, ATE, ATE, ATE, ATE...
Talagang hindi ka titigilan ng bata na ito kaka-ATE hanggang di mo siya binibigyan ng pera kahit piso lang... Naglalakad ako pabalik, talagang sinundan nya ako, hindi nya ako tinantanan.. Sabi ko, wala akong pera... sabi nya ATE (**sabay tango sa akin**)... Sabi ko tigilan mo na ako,,, PLZZZZZ... Sa isip isip ko gusto ko na siya bigyan ng piso para matigil na.. kaso naisip ko... SHET wala pala akong pera, db?! Haler!!! Baka kulangin ako.. So nag-insist ako na tigilan na nya ako at wala akong pera... Dumating nga sa point na sa sobrang pangungulit nya talaga at sa sobrang asar ko, sinabi ko na talaga sa knyang ... WALA NGA AKONG PAMASAHE EH!!! Pero no effect!!! My Lord, ano bang gagawin ko sa batang ito... sa sobrang pagkabadtrip ko, ang aga-aga!!! Ayun naglakad ako ng mabilis na mabilis, hindi na nya kayang sundan ang lakad ko kaya tumigil na sa pagsunod...
Nung mawala na xa sa landas ko, nabilang ko na rin ang mga barya ko, at nakita kong kasya pa para sa pamasahe yehey!!! Go na ako... at baka malate pa...
Pagkasakay ko sa jeep, meron akong nakatabing Muslim (out of the topic,just wanna share heheheh ) sobrang balot na balot talaga xa, halos wala ng makita sa knya... mata nalang... bakit kaya kelangan pang itago?? anywayz... pinababa rin naman kagad kami sa jeep dahil baka mahuli daw xa, hindi siguro tama ung route nya...
Buti nakasakay ako kagad... Ayun pagkasakay, nagbayad ako ng 15, nag-eexpect ako ng PISOng sukli kasi 14.50 ang dating pamasahe from Sandigan to Hiway, since nagbaba ng 0.50 centavos ang pamasahe, so 14 nalang dapat... pero ang layo na ng nabyahe namin wala pa rin sukli, nahiya naman akong tanungin ung pisong sukli, ang layo ko kasi sa driver nandun pa ako sa pinakadulo...
Hanggang pagdating ng Philcoa, nagbayad ung ale na katapat ko.. galing daw xa ng Manggahan. galing doon, 16 pesos ang dating pamasahe, 15 na daw ngaun.. so nagbayad xa ng 15 pesos pero hinihingian pa rin xa ng driver ng PISO... pinagpilitan ni ate na bumaba na ang pamasahe... at take note ito ang sagot ni Kuya Driver.. na napakawalang kwenta at napaka-illogical.. (haayzz,, buti hindi mainit ang dugo ko ngaun kung hindi nakisama akong makipag-argue dun sa babae)...
Ang sagot ni kuya... "Misis, yung minimum lang ang nagbaba ng pasahe!"... Ang sagot ni ate... "Ano? Minimum lang? Eh pano nangyari yun, pag nagtataas ng pamasahe, tumataas lahat hindi lang naman ang minimum, sa dagdag sa kilometro may dagdag na pamasahe na, tapos pag nagbawas yung minimum lang pwedeng bawasan?!"
Actually tama ang logic ni ate, pg tumaas ang pamasahe, tumataas lahat hindi lang ang minimum.. Pag bumaba minimum lang?! Nakakabadtrip si kuya, nanlalamang ng tao, pare-pareho lang naman kaming nagtatrabaho at kelangan kumita ng pera... ay sows!!
In the end, binigay din ni ate ang PISO na pinagsimulan ng away.. pero wag ka.. may banta si ate, sabi nya "Sige ito, ibibigay ko itong PISOng hinahanap mo, pero tandaan mo malaki ang kapalit nito, irereport kita sa LTO.!"
San ka pa may ganun!!! Madalas hanggang banta lang naman ang mga taong ganyan.. panakot kumbaga.. bihira ang tumutuloy ng pagsusumbong... Pero whiz... kabog si ate.. ang sbi ni kuya.. "Sige, itanong mo pa sa LTO kung ano talaga ang tamang pamasahe baka ikaw pa ang mapahiya!" hahaha kuya, yeah right!!! tsk tsk tsk
Huling kwento ng piso... meron akong babaeng tinitignan,, nakatalikod kasi xa, nasa likod nya ako naglalakad pababa sa MRT Station, para xa talaga si Joreen...
Maputi, tulad sila ng buhok... yung katawan, yung tangkad... basta parang si joreen talaga.. namiss ko tuloy xa.. at ayun... pagdating sa ibaba, meron pulubing matanda, natutulog, naghulog xa ng baryang tigpi-PISO..
bigla kong na-realize.. dapat na rin ako mag-give kahit PISOng barya kasi Christmas na... Season of Giving...
Wala ulit relasyon sa title... bigla ko lang naisip!! waaaaahhh dumating sa Pilipinas si Rasmus tsaka si Brian.. hahaha wala lang natuwa lang ako!!! Sarap ng chocolate... thanks =)) gwapo pa ni rasmus... =))
Posted by nHeyzHeL at 3:38 AM 0 comments