Happy to be with YOU again...

Tuesday, February 3, 2009

Hahahah... filler lang yan  wala akong maisip na title eh 


Masaya ako kasi meron na akong kasabay ngayon pumasok sa office at umuwi ng bahay... 1.5 years din akong nagtiis pumasok at umuwi ng mag-isa... Wala naman kasi akong officemate na same way sa pag-uwi ko kaya ayun, tiis tiis sa pag-iisa...

Pag may nakikita nga akong mag-friends na magkasabay umuuwi at nagkukwentuhan habang naglalakad, hindi ko nga mapigilang mainggit sa kanila... at minsang humihiling din na sana dumating na yung time na may makasabay na ako sa pag-uwi..

I admit, ever since, hindi ako umaalis ng bahay namin ng mag-isa lang... Pupuntang Mall, pupunta sa tindahan (na malapit lang naman sa amin), papasok ng school, magsisimba... at kung saan saan pa... Ewan ko ba, one of my fear is yung mapag-isa/loner type/walang kasama..

Pero ngayon, masayang masaya ako kasi meron na akong kasabay ulit pumasok at umuwi sa bahay, I always feel safe... :) Kasabay ko na si Nheo pumasok at umuwi... YEHEY!!!! Magkalapit lang kasi kami ng pinapasukan ngayon...

Yun din ang isang pinagpapasalamat ko sa Panginoon... 
1.) May trabaho na siya na nagbibigay ng good compensation. 
2.) Sa malapit lang sa office namin ang office nila... (** although mas malapit yung company 1, na isa sa mga option nya, sa Rufino lang din yun eh heheheh **) At ang HIGIT sa LAHAT
3.) Na-experience kong mapag-isa and I have conquered my fear!!! Nalagpasan ko ang mga yun...

Masaya rin ako dahil sa may kasabay na ako, inaamin ko nabawasan na ang katamaran ko minsan pumasok sa office.. hehehhehe =D Dati kasi, pag naramdaman kong hindi kaya ng katawan kong bumiyahe at maglakad ng malayo, hindi na ako pumapasok kasi nanghihina ako lalo kapag naiisip kong mamaya himatayin ako sa daan, walang magse-save sa akin... Atleast ngayon, meron na akong kasama mas magiging kampante na ako...

Maaaring sabihin nyong masyadong corny or hindi naman talaga nakakatakot ang kinatatakutan kong ito, pero still "Malaki pa rin talaga ang takot ko dito BEFORE"

Hindi na ngayon, dahil nakayanan ko na ang mag-isa, nalagpasan ko na ang Trial sa akin... Meron din naman palang positive impact ang pag-iisa.. kasi you are free on what you want to do... nasa sayo lang ang lahat ng decision... but you need to be careful on the decision you make kasi it will greatly impact your lives.

0 comments: