Santa Santita...

Monday, September 22, 2008

Sabi nga nila "Looks can be deceiving"...

Naniniwala ako sa kasabihan na yan. Maraming beses ko na naranasan magkamali sa panlabas na anyo ng isang tao. Madalas, meron akong nakikilalang mukhang anghel ang mukha, o di kaya naman kung minsan, hindi ganoong kagandahan pero nagugustuhan ng mga tao. Nadaya na rin ako sa ganyan, mukha naman kasing ok siya. Ika nga Santa Santita, nasa loob ang kulo. Tingin ko, naranasan ko na rin ang mga nararanasan ng mga taong hindi pa gaanong nakakakilala sa kanya. Yung tipong ok siyang kaibiganin. Hindi ko masasabing kilala ko na siya, pero sa mga ugaling naibukas na nya sa akin, masasabi kong mukhang hindi maganda. Ayokong husgahan ang buo nyang pagkatao, pero mukhang kahit anong gawing pagbibigay ng payo ng ibang tao, hindi pa rin natututo. May kasabihan ngang "One is enough, two is too much". Hindi na dapat ulitin pa ang nagawang pagkakamali. Dapat matuto na tayo sa ating pagkakamali.

Hindi natin masasabing mali ang sinasabi ng ibang tao tungkol sa atin. Opinyon nila iyon... may mga bagay din tayong hindi nakikita sa ating sarili dahil tayo'y nakakimi sa mga hindi magandang pag-uugali natin. Madalas mga magagandang pag-uugali lang ang ating nabibigyang pansin.

Marapat na putulin na natin ang mga sungay na tumutubo sa ating ulo habang maaga pa. Mahirap na maputol kapag ito'y tumagal na at natanim na sa ating uLo. Alisin natin ang ating pagiging Santa Santita upang tayo'y mas maging masaya kasama ng kaligayahang mararamdaman ng mga taong nasa paligid sa atin..

0 comments: